Welcome to Kapamilya One! (K1).

Kapamilya One (K1) is a 5-year-old blog giving Kapamilya News and information all over the world. This blog caters all news and information about the Philippines' largest media and entertainment conglomerate, ABS-CBN. ABS-CBN is best known for pioneering radio and television in Southeast Asia and for its flagship television network ABS-CBN, the first commercial television network in Asia. Today the company has expanded to be the largest media empire in the Philippines with reaches still unmatched to this day.

Know more about ABS-CBN

ABS–CBN Corporation is a Philippine-based media conglomerate. It is the Philippines' largest media and entertainment conglomerate. The corporation was the merger of Alto Broadcasting System (ABS) which at that time owned by James Lindenberg and Antonio Quirino, and the...

ABS-CBN TV Schedule

Updated TV schedule of your favorite Kapamilya Channel!

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Star Cinema

ABS-CBN Film Productions, Inc. (known as Star Cinema), is a Filipino film and television production company and distributor and the country's largest film production company producing most of the highest grossing Filipino films of all time.

Tuesday, February 26, 2013

Martin Nievera, magbabalik sa late night TV simula ngayong Biyernes

Mas maingay, mas madaldal, at mas makulit na Martin Nievera ang magbabalik sa late night TV simula ngayong Biyernes (Marso 1), sa engrandeng pagsisimula ng pinakabagong talk show ng ABS-CBN na “Martin Late @ Night” na mapapanood na pagkatapos ng “Bandila.”


Kinikilala bilang “Big Mouth” ng Philippine television at Filipino counterpart ng late night TV icons ng US tulad nina David Letterman, Conan O-Brien at Jay Leno, handang-handa na si Martin na ibalik ang saya at sigla at bigyan ng total entertainment ang TV viewers tuwing Biyernes ng gabi. Bukod sa pagiging batikang singer-songwriter, nakilala rin si Martin bilang host ng hit late night talk shows ng ABS-CBN na “Martin After Dark” na umere mula 1988 hanggang 1997 at “Martin Late @ Nite” na napanood mula 1998 hanggang 2002.

Huwag palampasin ang “Martin Late @ Night,” tuwing Biyernes ng gabi, pagkatapos ng “Bandila.” Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Share

Sunday, February 24, 2013

Park Min Young, muling mapapanood sa Kapanilya Gold via “Glory Jane”

Mula sa pagiging astig na bodyguard na nakabighani sa misteryosong City hunter hanggang sa pagiging isang babaeng nagpanggap na lalaki sa paaralan ng Sungkyunwan, gagampanan naman ngayon ng Korean sweetheart na si Park Min Young ang isang nursing aid na walang ibang maalala sa kanyang nakaraan maliban ang pangalan niya sa seryeng “Glory Jane” na mapapanood tuwing hapon sa ABS-CBN.

Isang masayahin at positibong dalaga si Jane na determinadong magsikap para magkaroon ng magandang buhay kahit na wala siyang anumang maalala sa kanyang nakaraan. Ang tanging alam niya ay iniwan siya ng isang lalaki sa ampunan at mariing ibinilin sa kanya na huwag niyang kalimutan ang kanyang pangalan – Jane Yoon.

Hinanap ni Jane ang lalaking ito sa pag-asang lubusang makilala ang kanyang pagkatao at sa paniniwalang ito ang kanyang tunay na ama.

Papalarin siyang makita ang lalaki ngunit mabibigo magkaroon ng ama dahil ang lalaking ito ay may sarili na palang pamilya at ang panganay nitong anak na si Ryan Kim (Chun Jung-Myung) na isang baseball player, ay dati niyang pasyente.

Nagpasya si Jane na manirahan sa bahay ng lalaking ito kung saan kakaharapin niya ang dalawang pinakamabigat na laban ng kanyang buhay— ang laban para matuklasan ang kanyang tunay na pinagmulan at ang laban para supilin ang nararamdaman sa lalaking kinikilala niyang kapatid.

Sa unti-unting pagsiwalat ng katotohanan, makikilala rin ni Jane ang tunay na kaaway at malalaman n'ya ang mga bagay na ipinagkait sa kanya.

Sino nga ba si Jane Yoon? Ano ang kaya niyang gawin para sa mabawi ang mga bagay na dapat ay sa kanya? Pagbibigyan ba nina Jane at Ryan ang sigaw ng kanilang puso sa kabila ng kanilang ugnayan?

Subaybayan ang Korean drama na “Glory Jane,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “Pinoy True Stories” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Share

Friday, February 22, 2013

Anne Curtis and Daniel Padilla unleash their secret super powers this Sunday

 Hitik sa powerful performances ang hatid sa TV viewers ngayong Linggo (Pebrero 24) ng no.1 Sunday musical variety show ng bansa na "ASAP 18," kung saan tampok ang engrandeng selebrasyon ng 30th showbiz anniversary ng Divine Diva na si ZsaZsa Padilla; at ang show-stopping birthday bash ng Concert Sweetheart na si Anne Curtis.

Sa pagpapatuloy ng month-long celebration ng 18th anniversary ng programa, ibibida ng “ASAP 18” sa TV viewers ang natatanging husay ng Pinoy sa larangan ng musika sa grand launch ng official soundtrack ng top-rating primetime kilig-seryeng “Kahit Konting Pagtingin” na pangungunahan nina Angeline Quinto at Sam Milby; at sa pagpapamalas ng special kilig powers ng Kapamilya teen sensation na si Daniel Padilla na aawit ng isa sa mga song finalists ng “Himig Handog P-Pop Love Song 2013.”

Full force din sa paghataw ang ASAP Kapamilya sa inihandang showdown ng Supahdance royalties na sina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa ASAP Rewind ng "Rated R” segment; na susundan ng ika-8 anibersaryo ng ASAP dance group na G-Force.

Back-to-back na pasiklaban ng talento naman ang matutunghayan sa ASAP centerstage dahil sa espesyal na dance number ng Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz, Paul Salas, Jerome Ponce, Jane Oineza, Claire Ruiz, Kit Thompson, Sofia Andres, at Khalil Ramos; at sa pagsasama-sama ng cute na cute na Kapamilya child wonders na sina Bugoy CariƱo, Izzy Canillo, Clarence Delgado, at Zaijian Jaranilla bilang kiddie version ng Kanto Boys.

Samantala, saksihan ang world-class concert experience na ihahandog nina Martin Nievera, Vina Morales, Kuh Ledesma, Erik Santos, Jed Madela, ASAP Pinoy Champs, at ng ASAP Sessionistas.

Huwag din palampasin ang powerful dance extravaganza ng Kapamilya leading ladies na sina Cristine Reyes, Jessy Mendiola, at KC Concepcion; at ang pinakamalulupit na performances nina Kim Chiu, Maja Salvador, Enrique Gil, John Prats, Rayver Cruz, Iya Villania, Gab Valenciano, at Jericho Rosales sa "ASAP 18" Supahdance.

I-todo ang singing at dancing powers ngayong Linggo at maki-celebrate na sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na “ASAP 18” 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa  http://asap.abs-cbn.com/, i-‘like’ang http://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa “ASAP 18” sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPPower.

Share

Kumusta na ang bayaning aso na si Kabang?

 Kikilalanin ni Kuya Kim ang ilan sa mga hayop na nilagay ang kanilang mga buhay sa alanganin masalba lang ang buhay ng taong nakapaligid sa kanila ngayong Linggo (Feb 24) sa “Matanglawin.”

Samahan ang Trivia King na kumustahin si Kabang, ang asong nawala ang nguso nang hinarang nito ang isang rumaragasang motorsiklo para lang masagip ang dalawang babae, at si Dagul, ang Animal Hero Awardee ng Philippine Red Cross.

Ipakikilala niya rin sa inyo ang apat na K9 dogs na naging bayani noong panahong sinalanta ang bansa ng matinding bagyo.

Pero hindi lang ang tinaguriang ‘man’s best friend’ ang bibigyang pugay dahil makikilala rin ni Kuya Kim si KitKat, isang pusang pumapatrol sa isang university kasama ang security guard.

Marami pang mga bayaning hayop ang naghihintay ngayong Linggo (Feb 24), 9:30 AM, sa “Matanglawin” sa ABS-CBN.

Share

Closeness nina Jessy at Matteo, at John at Jayson, tampok sa "SIR"

 Hindi naitago ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang tindi ng emosyon niya sa pagpapakasal kamakailan ng panganay niyang anak na si Paolo sa long-time girlfriend nitong si Sam Godinez.

"Usually, it's the father of the bride ang laging emotional. But it's your son, your first born. So when that son takes that step forward, it’s a step he’s gonna take on his own. It’s like you’re the one pushing him, ‘go son!" pahayag ni Gary sa kauna-unahang sit-down interview nilang mag-ama matapos ang kasal na eere sa "Showbiz Inside Report" ngayong Sabado (Pebrero 23).

Bukod sa kwento ng bagong simula ng mag-amang Gary at Paolo, tampok rin sa "SIR" ang mas lumalalim na samahan ng "Paraiso" stars na sina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli at matibay na pagkakaibigan ng "Banana Nite" boys na sina John Prats at Jayson Gainza. May bagong pag-ibig na nga bang namumuo sa pagitan nina Matteo at Jessy? Ano ang mga bagong hamon na hinaharap nina John at Jayson bilang magkaibigan?

Huwag palampasin ang mga rebelasyon nina Gary, Paolo, Jessy, Matteo, John at Jayson sa trending Saturday entertainment talk show ng bansa, “Showbiz Inside Report,” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

Share

“LUV U” teen star na si Igi Boy Flores, handa nang sumabak sa drama

 Mahal daw ng “LUV U” teen star na si Igi Boy Flores ang comedy, ngunit gusto rin daw niya sumabak sa drama upang mas maging flexible na aktor.

“Bilang artista, gusto ko rin po maranasan na mabigyan ng iba’t-ibang klase ng roles para rin po mag-grow ako sa propesyon ko. Pero syempre, hindi ko naman po iiwan ang comedy kasi ito po ang nagdala sa akin sa kung ano ako ngayon at love ko po talagang magpatawa,” ani Igi.

Nang tanungin naman kung kamusta ang tamabalan nila ni Kiray Celis sa “LUV U”, aniya “Okay naman po, parang aso’t pusa. Pero sa totoong buhay best of friends kami.”

Pinatunayan naman ito ni Kiray nang sabihin niyang si Igi raw ay hindi tulad ng ibang lalaking ka-edad nila. “Sobrang bait. Kung sa show sya yung loko-loko, sa totoong buhay sya yung pinaka-behave,” ani Kiray.

Ipapakita ni Igi ang soft side niya sa “LUV U” ngayong Linggo (February 24) kung saan sasabihin niya ang totoo kay Whitney (Kiray) at Camille (Miles Ocampo) nang tanungin siya kung ano ba talaga ang inililihim nina JB (Marco Gumabao) at Boom (CJ Navato).

Magustuhan kaya nina Camille at Whitney ang malalaman? Alamin sa “LUV U” ngayong Linggo pagkatapos ng “ASAP 18” sa ABS-CBN.

Share

ABS-CBN, naninindigang walang basehan ang isinampang kasong libelo ng GMA Network

Walang basehan ang libel case na isinampa ng GMA 7 sa chairman at reporters ng ABS-CBN.

Ito ang idinidiin ng ABS-CBN kaugnay sa pagbuhay ng Department of Justice (DOJ) sa siyam na taon nang nakabinbing kaso sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).

Naghain ng warrant of arrest kamakailan ang QC RTC sa mga akusado na kinabibilangan nina ABS-CBN Chairman Eugenio Lopez III, Lynda Jumilla, Maria Progena Estonilo Reyes, Annie Eugenio, Dondi Garcia, Jose Ramon Olives, Jesus Maderazo at dating mga empleyado ng ABS-CBN  na sina Erwin Tulfo, Beth Frondoso, Luis Alejandro, Luchi Cruz-Valdes, Jose Magsaysay Jr., at Alfonso Marquez na agad din namang nakapagpiyansa.

Sa isang statement, sinabi ng Head ng Integrated Corporate Communications na si Bong Osorio na “Kusang pumunta sa korte ang mga nasasakdal sa libel case at naghain ng piyansa na naaayon sa batas. Iginigiit nilang walang batayan ang kasong libelo na isinampa laban sa kanila.”

Para sa ABS-CBN, GMA 7 ang dapat kinakastigo sa isyu na ito dahil sila ang nanlapastangan sa karapatan ng ABS-CBN.

“Ang nagsakdal ang gumamit ng footage ng ABS-CBN nang walang pahintulot kaya nagsampa ang ABS-CBN ng kasong copyright infringement. Nakalulungkot na ang mga nasasakdal ay kinakastigo na parang mga kriminal, gayong ang mga karapatan ng ABS-CBN ang nilabag,” sabi ni Osorio.

“Gagamitin ng mga nasasakdal ang lahat ng pamamaraang legal para kwestiyunin ang inilabas na arrest warrant ng Quezon City RTC laban sa kanila. Naniniwala sila na ibabasura ng korte ang naturang kaso,” dagdag ni Osorio.

ABS-CBN ang may broadcast coverage sa pagdating sa bansa ng overseas Filipino worker na kinidnap ng mga terorista sa Iraq na si Angelo dela Cruz na ginamit ng GMA nang walang pahintulot. Noong Lunes (Feb 18) sa “TV  Patrol” ay ipinakita ng ABS-CBN ang aktwal nilang footage na umere noong 2004 sa ABS-CBN Breaking News at ikinumpara ito sa footage naman na ipinalabas ng GMA sa kanilang Flash Report.

Hindi maikakailang galing sa ABS-CBN ang ginamit na footage ng GMA lalo pa’t maging ang ABS-CBN reporter na si Dindo Amparo ay lumabas sa screen ng GMA.

Nasagap at inere ng GMA ang footage mula sa foreign news agency na Reuters Television Service sa kabila ng abiso ng Reuters na “No Access Philippines” o nangangahulugang ang material ay hindi maaring gamitin ng subscribers nito sa Pilipinas nang walang pahintulot. Ang “no access” rule ay nasasaad din sa standard na Reuters agreement sa kanilang mga subscriber kaugnay ng bidyo na nakuha mula sa isa ring subscriber sa isang teritoryo.

Ibinasura ang kasong libelo na isinampa ng GMA laban sa ABS-CBN ni Department of Justice private prosecuter ACP Venturaza noong 2004, na siya namang pinagtibay ng dating Justice Secretary Raul Gonzalez noong 2005.

Ngunit noong 2010, binaligtad ni dating acting Justice Secretary Alberto Agra ang resolusyon ni Gonzalez. Noong 2011 naman, pinagtibay ni Justice Secretary Leila De Lima ang desisyon ni Agra.

Nagsampa na rin ng petisyon ang ABS-CBN sa Court of Appeals para kwestiyunin ang resolusyon ng DOJ na sampahan na ng kasong libelo ang mga akusado. Sa kabila ng lahat, kumpiyansa ang ABS-CBN na maabswelto sila sa bandang huli.

Tuesday, January 22, 2013

Kilanin sina Serena, Ruben, Anton at Rebecca sa teleseryeng magdadala ng nag-aalab na pag-ibig "Apoy sa Dagat"


Magsisimula na ngayong Pebrero 4 (Lunes) ang isa sa pinakamalalaking Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN ngayong 2013 na tiyak na magpapainit sa gabi ng buong sambayanan, ang "Apoy Sa Dagat" na katatampukan ng mga karakter na sina Serena (Angelica Panganiban), Ruben (Piolo Pascual), Anton (Diether Ocampo), at Rebecca (Angelica Panganiban).

Kwento ng nag-uumapaw na pag-ibig, malaking sakripisyo at matinding panlilinlang, ang "Apoy Sa Dagat" ay sesentro sa buhay ni Serena, isang dalagang napadpad sa isang isla at lumaki nang walang kahit anong naaalala tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Dahil sa kawalan ng pamilyang masasandalan, natagpuan ni Serena ang isang matibay na sandigan sa katauhan ni Ruben na kalauna’y bibihag sa kanyang puso.

Sa panahong akala nila ay wala nang hahadlang sa kanilang pag-iibigan, isang aksidente ang sususbok sa tatag nina Serena at Ruben. Anong kayang gawin ni Serena upang maisalba ang buhay ng lalaking pinakamamahal niya? Ano ang magiging kaugnayan ng mayamang negosyanteng si Anton sa buhay ni Serena? At ang pinakamalaking tanong sa lahat—sino nga ba si Rebecca sa buhay nina Ruben, Anton at Serena?

Bukod kina Angelica, Diether, at Piolo, bahagi rin ng cast ng de-kalibreng primetime teleserye sina Angel Aquino, Aiko Melendez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Liza Lorena, Freddie Webb, Melai Cantiveros, Eric Fructuoso, Regine Angeles, Bryan Santos, at Mikaila Ramirez. May special participation sa serye sina Nikki Gil, Empress, at Patrick Garcia. Ang "Apoy sa Dagat" ay sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Nick Olanka.

Simula Pebrero 4 (Lunes), mapapaso ang buong bayan sa panlilinlang ng isang mukha na nagtataglay ng dalawang katauhan sa “Apoy Sa Dagat,” gabi-gabi, sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

Share

Bida, mamamatay sa pagtatapos ng "Kahit Puso'y Masugatan"

Walang bibitiw sa mga matitindi at nakagugulantang na pasabog sa huling dalawang linggo ng Kahit Puso’y Masugatan.

Magaganap na ang paghaharap sa korte nina Andrea (Iza Calzado) at Rafael (Jake Cuenca) at kasabay nito ay ang pagluwal niya sa anak ng lalaking kanyang isinasakdal. Nananatili namang comatose si Miguel (Gabby Concepcion).

Samantala, malapit ng maisakatuparan ni Veronica (Andi Eigenmann) ang kanyang mga plano kasabay ng kanyang pagpapakasal kay Gerald (Robi Domingo). Tuluyan na kayang manaig ang kanyang kasamaan? Magising kaya si Miguel para masilayan ang anak ng asawang si Andrea? Ano ang magiging hatol kay Rafael at ang kaya niyang gawin makasama lang ang anak?

Isa rin sa apat na karakter na inyong minahal ang mamamatay sa pagtatapos ng kuwentong tumagos sa inyong mga puso. Sino sa kanila ang mamamaalam?

Huwag palalampasin ang huling dalawang linggo ng Kahit Puso’y Masugatan, Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Kailangan Ko’y Ikaw sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Share

Tru Blooded Kapamilya Followers