HINDI tulad sa Hollywood na inilalabas (ng Media by Numbers) ang eksaktong box-office figures ng lahat ng pelikula, dito sa atin ay bibihirang mangyari ang gano’n dahil wala tayong official source na nagre-release ng actual box-office results.
Nangyayari lang ‘yon tuwing MMFF dahil nire-require ang filmfest committee na ilabas ang box-office grosses para malaman ang ranking ng mga pelikula at ang total income ng festival.
Mabuti na lang at may Box Office Mojo (www.boxofficemojo.com), ang international box-office tracking website na hindi lang takilya ng Hollywood ang inire-report kundi maging foreign territories kabilang na ang Pilipinas.
As of December 17-21, 2008, ang naghari sa takilya ng Pilipinas nu’ng 2008 ay ang romantic comedy movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na A Very Special Love (P179.6M).
Nasa #2 spot ang Sharon Cuneta starrer na Caregiver (P139.5M),
#3 ang Richard Gutierrez-KC Concepcion romantic-drama na For The First Time (P132.8M),
#4 ang Richard Gutierrez-Marian Rivera romantic-comedy na My Best Friend’s Girlfriend (P101.3M),
#5 ang comedy flick nina Dolphy at Vic Sotto na Dobol Trobol: Let’s Get Redi 2 Rambol (P90.5M),
#6 ang Aga Muhlach-Anne Curtis love story na When Love Begins (P89.4M),
#7 ang Judy Ann Santos-Dennis Trillo horror flick na Mag-Ingat Ka Sa…Kulam (P85.5M),
#8 ang comedy mo*vie nina Toni Gonzaga at Vhong Navarro na My Only U (P78.4M),
#9 ang rom-com nina Sam Milby, Toni Gonzaga at Kristine Hermosa na My Big Love (P69.7M),
#10 ang comedy flick ni Vhong Navarro na SupahPapalicious (P67M).
Sa sampung pelikula sa Top Ten, apat dito ang lumampas sa P100M-mark. Ang anim na natitira ay pawang kumita nang mahigit P60M.
Isa rito ay produced ng Regal Entertainment (Mag-Ingat Ka Sa…Kulam), isa ay co-prod ng Regal at GMA Films (My Best Friend’s Girlfriend), at isa ay mula sa M-Zet/RVQ Prods./APT Entertainment (Dobol Trobol).
Sa lahat ng film outfits ay pinakamataas ang batting average ng Star Cinema, na nagprod*yus ng pito sa sampung pelikula sa Top Ten (ang When Love Begins ay co-prod nito with Viva Films).
Sa mga genre ng pelikula, hit na hit nu’ng 2008 ang mga romantic-comedy o love story na may konting drama (6 films out of 10).
Dalawa ang all-out comedy (Dobol Trobol at SupahPapalicious) at tig-isa ang drama (Caregiver) at horror film (Kulam).
Si Cathy Garcia-Molina ang 2008 box-office director dahil siya lang ang may dalawang pelikulang dinirek (A Very Special Love at My Only U) na pumasok sa Top Ten.
Hindi pa kasali sa listahang nabanggit namin ang walong pelikulang kalahok sa ongoing 2008 MMFF. Sa ending ng festival pa malalaman ang kanilang final grosses.
‘Pag isinama ito sa Top Ten list ng Box Office Mojo ay may mga pelikulang madadagdag at malalaglag sa talaan.
After five days (Dis*yembre 25-30) ay may running total na ang filmfest na P248.5M:
#1 Ang Tanging Ina N’yong Lahat (P87.9M)
#2 Iskul Bukol: 20 Years After (P65.1M)
#3 Shake, Rattle & Roll X (P40.5M)
#4 Desperadas 2 (P23.6M)
#5 Baler (P21.3M)
#6 One Night Only (P4.9M)
#7 Dayo: Sa Mundo ng Elementalia (P3.7)
#8 Magkaibigan (P1.5M).







0 comments:
Post a Comment