Tuesday, January 13, 2009

Sino kina Kulas, Mars, at Adonis ang dapat makatuluyan ni Josephine?


Sa tatlong kakaibang lalaki na nauugnay kay Josephine, sino ang karapat-dapat sa kanyang pagmamahal|?

Si Kulas (Luis Manzano) ang kababata at malapit na kaibigan ni Josephine (Anne Curtis). Pero sa paglipas ng panahon, naging higit pa sa kaibigan ang tingin ni Kulas sa dalaga. Ngunit sa likod ng kanilang pagkakaibigan ay ang isang mahiwagang kapalaran. Bilang Gibud, isang nilalang mula sa dagat, si Kulas ay naatasan ng mabigat ng misyon na gabayan si Josephine sa pagtuklas sa kanyang tungkulin bilang Takda.

Si Mars (Zanjoe Marudo) ang illustrator na naging ka-opisina ni Josephine. Sa una nilang pagkikita ay nagkagusto na sa kanya si Josephine ngunit hindi naging madali kanilang naging samahan dahil sa pagseselos ni Kulas. Si Mars ay isang Kabanwa mula sa lahi ng mga mandirigma. Tungkulin niyang ipagtanggol ang Kabanwa at protektakan ang Takda. Pansamantalang siyang namatay para tulungan si Josephine sa Libingan Ng Kawalan.

Si Adonis (Sam Milby) ang prinsipe ng Kasamyan na tumawid sa mundo ng mga mortal at nagpanggap bilang may-ari ng publishing office kung saan nagtatrabaho si Josephine. Pakay ni Adonis na patayin ang Takda upang ang mga Kasamyan ang maging makapangyarihan sa mundo ng mga engkanto at ng mga mortal. Ngunit nang malaman niya na ang iniibig niyang si Josephine at tunay na Takda, nahirapan si Adonis. Sa huli ay pinili niyang talikuran ang sariling ama at ang buong Kasamyan para buhayin si Josephine at ipaglaban ang kanilang pag-iibigan.

Napatunayan nina Kulas, Mars, at Adonis na handa silang gawin ang lahat alang-alang kay Josephine pero sino talaga ang karapat dapat na mahalin ng dalaga? Ano ang pipiliin ni Josephine: ang kanyang pansariling kaligayahan, o ang kapakanan ng sangkatauhan.

Iboto na ninyo kung sino sa tingin mo ang nararapat makatuluyan ni Josephine sa www.DYOSATV.multiply.com

Panoorin ang huling linggo ng Dyosa sa Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol World.

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers