
Hindi nakayanan ni Bugoy ang damdamin nang personal siyang kausapin ng ABS-CBN. com sa launching ng kanyang bagong album ‘Paano Na Kaya’ kaugnay sa hindi niya pagdalaw sa kanyang pamilya at mga kaibigan sa Bicol. "Masama po talaga ang loob ko dahil hindi ko sila nakita nung Pasko at New Year. Hindi ako sanay na hindi ko kasama ang mga magulang ko kapag may ganung okasyon pero ano po ang magagawa ko, eh, marami po akong dapat na ayusin at hindi ko naman basta maiiwan yung mga showbiz commitments ko," pahayag ni Bugoy habang pinapahiran ang kanyang mga luha. "Wala naman po akong regrets kung hindi ko sila nakasama kaya lang siyempre bilang anak ay nalulungkot talaga ako dahil alam naman ninyo kung gaano ko sila kamahal at ginagawa kong lahat ito para sa aking pamilya dahil alam nila na kaya kong gawin lahat dahil sa laki ng aking pagmamahal at hindi ko sila puwedeng ipagpalit kahit na kanino kaya lang talagang ganito na siguro ang buhay ko dahil marami akong pangarap sa aking buhay."
Inamin ni Bugoy na October pa siya huling dumalaw sa Bicol na kung saan ay marami siyang naipangako sa kanyang pamilya. Sinabi rin ni Bugoy ang isa pa sa labis na ikinasasama ng kanyang loob ay hindi man lang niya nakita ang marami niyang kaibigan na sa tuwing sasapit ang Pasko ay kanyang nakakasama. Maraming beses na naming nakita kung paano umiyak si Bugoy pero sa lahat nang kanyang pag iyak ay noong gabing iyon nadala kami sa labis niyang pangungulila sa kanyan g mga magulang. "Oo nga po medyo pumayat po ako ngayon kasi hindi ako masyadong nakakatulog at konti lang ang pahinga ko dahil marami akong dapat gawin pero hindi naman po ako nagsisisi sa aking mga ginagawa at sa katunayan ay nagpapsalamt ako dahil binibigyan ako ng ganitong break ng Dos." Sinabi ni Bugoy na hindi matatapos ang buwan ay sisikapin niyang makauwi sa Bicol dahil nami-miss niya ang kanyang mga magulang at mga kaibigan. "Gusto kong magbakasyon. Gusto ko silang makita uli kahit sandali lang."
Sakabilang banda hindi rin tinitignan ni Bugoy na pagbawas sa kanyang pagkatao ang larawan niya sa kauna unahang album na ipinirudyos ng Star Record na kung saan lahat ng kanyang larawan ay nakatalikod o kung hindi man ay side view. "Okay lang po sa akin kung ganoon ang kuha nila sa akin dahil tanggap ko naman po kung ano lang ako, At saka sila ang higit na nakakaalam kung ano ang makakabuti sa akin actually nagpapsalamat nga ako dahil binigyan nila ako ng malaking tiwala at nagkaroon ako ng sarili kong album."
Original Post : Bugoy Drilon, too busy for his family?







0 comments:
Post a Comment