Sunday, February 8, 2009

Vice Ganda nilait si Bebe Gandanghari?


Naging kontrobersyal ang mga comedy bar host at komedyanteng si Vice Ganda sa mga binitiwan niyang salita laban kay Bebe Gandanghari. Lumabas kamakailan na sinabihan niya ng pangit at baduy si Bebe pero madiing itinanggi ni Vice na may sinabi siya na pangit si BB Gandanghari. “May mga part na totoo kaya lang ‘yung iba parang it was blown out of proportion. Parang baka na-misinterpret. Malala kasi kapag binasa mo, eh. Meron pa nga na nakasulat na pangit si Bebe. I wouldn’t say that. Hindi naman pangit si Bebe. Although may kabaduyan ng slight kasi parang yung mga bakla ang tingin nila parang ang 80’s ng dating. Kaya nabaduyan ang mga bakla ‘di ba,” simula ni Vice Ganda.

Nagkwento na tuloy si Vice tungkol sa ilang feedback na narinig niya from the gay community about Bebe. “Ako, sa circle of friends ko, mostly doon sa mga kaibigan ko lahat kami nabigla. ‘Ha?!’ Parang okay na kasi sa amin ‘yung Rustom na nag-out. Rustom na bading. Pero ‘yung bago na ‘yung hindi na siya Rustom, na Bebe na babae, ‘di ba ‘yun ang claim niya? Bebe is a woman? Doon kami naloka parang naloka na agad ang mga bakla, Tapos hindi masyadong positive ‘yung dating sa mga bakla. Tapos naging tukso na ’yung Bebe. ‘Di ba ‘yung mga bakla kapag sa kalsada ang daming tags? Ngayon ang pinaka-latest na tag ‘yung Bebe. Kahit ako nga rin, ‘Bebe! Bebe!’ Niloloko ko na nga lang. ‘Ano ‘yun? Kabayo na nga, bibi pa?!’ Ang hirap naman noon kabayo ka na, bibi ka pa. Ang hirap tumakbo ng kabayo kapag bibi ka ‘di ba? Hahaha!”

So sa tingin ba ni Vice ay hindi tanggap si Bebe ng ibang mga gays? Umiling ang komedyante sa tanong na ito. “Hindi naman sa hindi tinanggap. Eh, kasi paano mo naman tatanggapin kahit siya hindi niya kini-claim na bakla siya. Ang kini-claim niya babae siya. Bebe is a woman. ‘Yun ang malaking question sa amin. Hindi siya proud na bading. Hindi niya kini-claim na bading siya. Si Rustom (Padilla) nag-bakla pero hindi na kasi siya si Rustom. Ako ang point of view ko kung doon siya masaya okey lang. Kaya lang nakaka-ano lang parang hindi siya proud na bading siya kasi nga hindi niya tinatanggap na bading siya. ‘Di ba at first dineny niya na hindi siya bading.

Sinasabi niya lalaki siya. In denial siya. Tapos ngayon naman hindi na siya bakla, babae na siya. So, ayaw niya talaga ‘yung bakla, Nilalamapasan niya. Doon siya nane-nega sa mga bakla.”
Kung babae na si Bebe, naniniwala siya na nagpalit na ng gender ang dating aktor na si Rustom? “Yun nga ang sinabi niya I’m a woman. Nu’ng tinanong siya sa isang show napanood namin kung nagpa-transgender na siya. Tapos ang sagot niya ‘no comment’. Kung trans gender ka maging proud ka. Ginawa mo ‘yun, e. Desisyon mo ‘yun, eh. Tapos sasabihin mo pero kung hindi eh, hindi rin. Gaano ba kahirap sabihin ‘yung oo at hindi at no comment ka sa isyu ng pagpapa-transplant?” Feeling daw ni Vice ay di tanggap ni Rustom na isa siyang bakla. “Siguro kasi hindi nga niya tinatanggap na bakla siya, eh. Babae nga siya ‘di ba? Pero para sa akin bakla siya. Kasi wala namang lalaking bababa ng eroplano na naka-belo at merong malaking salamin ‘di ba? Parang ang tatay ko hindi ko naman ata tanggap na bababa ng eroplano na ganu’n ang suot tapos ang claim niya straight siya? Bakla siya. Kung hindi pa siya, kahit naman ano, transgender ka hindi pa rin babae, e, ‘di ba? Lalaking may female genital, ganu’n, Ano ba’ng bahagi ng lipunan ang magre-recognize sa ganu’n? Although pwede na siguro ngayong palitan ang birth certificate. Pwede ng ilagay sa gender mo female kung nagpa-transplant ka. Pero hindi naman niya inamin na nagpa-transplant siya, eh.”

Medyo duda nga raw ang iba pang kasamahan ni Vice na nag-aral nga ng modeling si Bebe sa New York. “Pwede, pwede naman siyang mag-aral ng modelling sa New York . Pero ‘yun nga, natatawa ang mga bakla. Actually, nagiging biruan nu’ng mga bading, nag-modeling school siya sa New York bakit magmo-mdoela? Ano ba ang purpose ng modeling school? Magmo-modelo ‘di ba? Ngayon siya magmo-model, eh, nasa 40’s na siya. Di ba medyo may edad na for a model? E, ‘di ba sa States nga ‘pag 18 ka medyo wala ka nang project kasi ang babata ng mga model, 14, 16. Eh, ’di more so kung 40s?”

Totoo ba na i-spoof niya sa kanyang Valentine show na “Queen of Hearts: Vice Ganda” on February 13 sa Metrobar West Avenue , Quezon City si Bebe? “Dahil sa sobrang init nga ng isyu nu’ng Bebe Gandanghari, na-inspire kaming gawing part ‘yung show ko sa Feb 13 and 14 sa Metro bar. Merong part na i-spoof namin siya. Spoof ba ang tawag doon? Siguro ganu’n na nga. Pero hindi naman namin, hindi naman Bebe- bashing ang gagawin namin. Kasi mainit, eh. Tsaka ng dami ring interesado sa kanya ‘di ba?” Invited naman daw si Bebe to grace the occasion. “Oo! Kung pwede saana pumunta nga siya. I’d love to see her there watching me.”

Hindi naman daw kaya may naii-insecure lang kay Bebe? “Well, may mga taong pwedeng ma-insecure dahil like what I’ve said maganda si Bb. Pwedeng ma-insecure ‘di ba? Pero maaring meron ding masabi ang ibang tao ng hindi magaganda. Pero na kay Rustom, na kay Bebe na ‘yun if he’s going to take it positively or what. Pero mas maganda if we take criticisms positively ‘di ba? Katulad nu’ng mga baduy-baduy. Hindi naman baduy. Sabi ko nga feeling ko mahal ‘yung mga sinuot, na-mismatch lang. Oo, ‘di ba?” Pero nu’ng buhay pa si Rusto type ba niya? “Super love ko ‘yung Rsutom noon. ’Yung buhay na Rustom bago pa pinatay. Hahaha! Sino ba ang pumatay kay Rustom? Ang daming ano, I myself am a fan of Rustom ano. So, sobrang like ko. Kahit ‘yung Rustom na nag-bading after PBB? Fan pa rin ako noon. Oo, nagka-crush ako kay Rustom lalo na nu’ng lumabas siya sa ‘Mistah.’ So, feeling ko Bb kapag nanood ka ng ‘Mistah’ magka-crush ka kay Rustom. For Rustom is such a hunk.”

Paano kung awayin si Vice ng mga kapatid ni Bebe? “Feeling ko hindi. Kasi si Rustom ang kapatid nila at hindi si Bebe. Hahaha! Ngayon hahanapin ko pa kung saan nakatira ang mga Gandanghari. Pero ‘yung mga Padillas alam ko. ‘Yung mga Gandanghari hindi ko kilala.” Di rin naman daw takot si Vice if ever mag-krus ang landas nila ni Bebe. “Wala, eh, feeling ko naman kasi suplada siya. Pero I will say hi. Natutuwa naman ako maganda talaga siya. Nakaka-‘Huh?!’ din, ‘Ang ganda ‘no.’ Bago ko pa na-appreciate ‘yung ganda nabigla na ako. Sobrang abrupt.”
Samantala, natutuwang ibinalita ni Vice na gagawin ng Maalaala Mo Kaya ang kanyang lifestory. What if si Bebe ang gumanap ng kwento niya sa MMK? “Okay lang. kaya lang nasa 40s na siya, eh. Siyempre gusto ko naman mas younger. ‘Tsaka hindi niya tatangapin ‘yon. Siyempre gusto ko rin na ako. Kaya lang siyempre baka hindi niya ako like kaya baka hindi niya tanggapin ang role.”

Sa bandang huli ay wish na lamang ni Vice na maging happy si Rustom sa ano mang ginagawa niya. “Kay Rustom i-enjoy lang niya kung ano ang ginagawa niya. Kasi wala namang saysay din kung ano ang sinasabi ng mga tao. Ang importante kumportable siya, masaya siya. Deadmahin niya ‘yung mga naririnig niya. Kahit naman ako ang say ko wala namang relevance ‘yun, e. Ang importante kung ano talaga ang nararamdmaan niya."

Original Post : Vice Ganda nilait si Bebe Gandanghari?

Reactions:

2 comments:

Baduy naman talaga si BB. At nung pinarampa sya sa the Buzz, di naman marunong maglakad. Akala ko ba nag-aral yan ng modeling sa states. hahahahaha. Dapat di na lang sya nag-bading, wala naman sya talent katulad nila Vice at Chokoleit at iba pang mga bading dyan na nakakatuwa ang pagkabading.

Tama si vice.. ang importante ung nararamdaman nya and wag maapektuhan ng mga sasabihin ng ibang sknya...
:)

Tru Blooded Kapamilya Followers