
Nakasalubong kamakailan ng ABS-CBN.com si Angel Locsin at nagkaroon kami ng pagkakataon na makapagkuwentuhan tungkol sa latest project nito sa ABS-CBN. Si Angel ang makakasama ni Diether Ocampo at Sam Milby sa upcoming teleseryeng Only You na Filipino adaption ng isang Koreanovela. Isang chef ang magiging role ni Angel dito kaya naman excited siya. Nagkakaroon na rin daw sila ng ilang workshop para matuto siyang magluto. Aminado si Angel na marunong siyang magluto, pero yung mga gourmet cuisine ay pinag-aaralan pa niya.
Noong March 11 ay dapat lilipad na sila patungong Korea para mag-shoot pero nagkakaroon pa daw sila ng problema sa pagkuha ng visa (Kilalang mahigpit ang Korea sa pag-approve ng visa.) Nilalakad pa daw ang mga visa ng staff and crew na sasama sa kanila. April ang target airing ng teleserye nila na mauuna pa daw sa soap ng dati niyang onscreen partner na si Piolo Pascual na makakasama naman si KC Concepcion sa kanyang bagong teleserye.
"Dapat nga sabay kami nila PJ na aalis. (Sina KC at Piolo ay lumipad na papuntang Paris para sa kanilang soap na Lovers in Paris) Pero sinabi ko nga sa kanya na hindi pa kami makakaalis. Nauna pa sila! E April daw ang airing namin." say ni Angel.
Noong araw na nakasalubong namin si Angel ay naka-schedule silang magworkshop kasama ang buong cast para maging comfortable at at-ease na raw sila sa isa't isa. Bagamat nararamadaman na niya na mangangarag sila sa pagte-taping, punong-puno siya ng excitement dahil sa pagpunta nila sa Korea at sa pagtatrabaho nila nina Sam at Diet. Natawa na lang si Angel sa isyung crush daw siya ni Sam. "Hay naku, maniwala ka dun! Kaibigan ko lang yun noh! Alam mo na..." nakangiting sagot ni Angel, na nakuha na namin kung ano ang gusto niyang sabihin.
Original Post : Angel Locsin talks about preparations for ‘Only You’







2 comments:
congrats angel your one of the best actress today.bagay sayo ang role mo bilang jilian ng only you.hihintayin ko ito mapalabas.conrats ulet.
go gel !! sure hit na nman to pilot episode plang talbug nnman sla!! like darna at mmk...
Post a Comment