
Marami ang na-touch sa mga binitiwang pahayag ng magkasintahan na sina Angel Locsin at Luis Manzano sa The Buzz last Sunday. Hanggang sa matapos ang intebryu sa kanila ng mga hosts ng Sunday showbiz-oriented show ng ABS-CBN na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez and Kris Aquino may mga nakikiiyak pa rin sa happiness na nararamdaman nina Luis at Angel. “Naiiyak pa rin kayo,” sabi ni Angel sa mga fans na nagpa-picture sa kanila sa studio ng The Buzz. Maging si Luis ay namumula pa rin ang mga mata habang naglalakad palabas ng studio. “Oo, hobby niya ’yan (pag-iyak),” biro ni Angel kay Luis. “Minsan haharap ‘yan sa salamin tapos biglang tutulo na lang ‘yung luha niya.”
Sa unang pagkakataon ay narinig din mula mismo sa bibig ni Angel ang pag-amin na girlfriend siya ni Luis. “Ah, talaga? Hindi ko alam, eh. Kasi feeling ko matagal ko ng siyang ginagamit,” ngiti ni Angel. Sinabi ni Batangas Governor at ina ni Luis na si Vilma Santos sa mensaheng ibinigay niya kay Angel sa interview sa kanya ang mga kataganga ‘take good care of my son.’ Paano niya aalagaan si Luis? “Uhm, nag-iipon ako ng maraming pera para ‘pag meron na ako’ng pampa-buhay sa kanya ‘yun siguro. Magi-ipon ako ng maraming-maraming pera. Pababayaran ko siya. Kasi minsan naghihingi ng TF. Tini-TF ako. Hahaha!” pabirong sagot ni Angel.
Napag-alaman naman ng ABS-CBN.com na hindi nagustuhan ni Luis ang pagtawag sa kanya ni Angel ng stalker. “Wala siyang choice. Hahaha!” biro nanaman nito. “Hindi, lambing ko sa kanya ‘yon. Hindi nagagalit ‘yun. Hindi siya napipikon. Actually, lambing ko naman ‘yun sa kanya, e. Siguro kapag alam ko’ng napipikon tatahimik na ako. Hindi ko sa sinasabing stalker siya. Like kahapon ‘di ba nanalo nga ako sa Pinoy Bingo Night. Excited ako kasi lagi ako’ng malas, eh. Sa Deal or No Deal namin ako talaga ‘yung nagpatalo. Tapos nu’ng nanalo ako ‘pag tingin ko ng cell ko, ‘Congratulations!’ Parang ano ba? Lagi siyang ganu’n. Ibabalita ko pa lang sa kanya alam na niya agad. As in lagi talaga. Kaya sabi ko, ‘Ano ba? Stalker ba kita?’ Hahaha!”
Give and take naman daw sila ni Luis sa kanilang relasyon kaya’t smooth sailing ito. Sino ‘yung kapag nagalit ang isa tatahimik na lang ‘yung kabila? “Ako kasi tahimik ako, e. Siya naman si fix, taga-ayos. Ako ‘yung layo muna. Kasi mahirap na kapag galit ka kung ano ang nasasabi mo. Ako ’yung lumalayo muna.” Paano mapikon si Luis? “Alam mo sobrang try mo lang mapikon. Sobrang lawak kasi ang understanding nito, e. As in sobra talaga. Kaya na-impress din ako doon. Ibang level ng pang-uunawa. ‘Yun lang nga parang may sablay lang minsan.”
Kung tutuusin, pwede na raw lumagay sa tahimik sina Angel at Luis dahil pareho na silang secured in all aspects sa buhay nila. Ano na lang sa tingin niya ang pwedeng humarang o maging hadlang para mauwi na sa mas malalim ang kanilang relasyon? “Oo nga, kung tutuusin pareho naman kaming nasa rigtht age. May mga ipon naman kami. Safe naman na ang family ko. Siya wala naman siyang problema sa family niya. Siguro gusto rin naming mag-grow ‘yung isa’t isa and ayaw namin, lalo na ako, ayaw ko’ng i-hinder ang growth niya. Gusto ko’ng magawa niya ‘yung mga gusto niyang gawin kasi alam ko marami rin siyang pwedeng magawa. At darating at darating naman ‘yan kung ‘yun talaga ang mangyayari.”
Suot-suot ni Luis ang D&G na rubber shoes na birthday gift sa kanya ni Angel sa “The Buzz.” Habang si Luis naman niregaluhan niya si Angel ng rock band set. Incidentally, nakabili na si Angel ng sarili niyang rock band set sa Korea bago pa man binigay ni Luis ang birthday gift niya sa young actress. :Wala pa sa akin ‘yung binili ko sa Korea. Ah, kasi pina-ship ko. May 5 days pa siya bago dumating. So, sabi niya (Luis), itapon ko raw. Kasi ginagamit ko na ‘yung rock band na binigay niya.” How true ang chika na meron na raw silang joint account ni Luis? “Wala,” mabilis na tanggi ni Angel.
Sa huling panayam ng ABS-CBN.com sa ama ni Luis at Optical media Board Chairman na si Edu Manzano, pinuri niya si Angel. Gustung-gusto ni Chairman Edu ang pangangalagang ginagawa ni Angel sa kanyang ama na si Mr. Angel Colmenares. “Ay, mabait lang po talaga si Chairman Edu. Sumusobra na nga ‘yun. Lumalaki na ang ulo ko. Hindi ko na kayo papansinin sa sobrang laki ng ulo ko. Hahaha! “Hindi po. Nakaka-touch lang na naa-appreciate ako ng family ni Luis,” tapos ni Angel







0 comments:
Post a Comment