
Aminado si Sharon Cuneta at Ai-ai Delas Alas na mas nagkaroon sila ng admiration sa isa’t isa matapos nilang magsama at ishoot ang Mother’s Day offering ng Star Cinema na BFF or Best Friends Forever. Sa interview ng dalawa sa Showbiz News Ngayon last April 22, sinabi nila na matagal na silang humahanga sa talento ng isa’t isa.
Pampasaya daw ni Sharon ang mga pelikula ni Ai-ai. “Si AiAi, karamihan sa mga movies sa i-Pod ko kanya,” Sharon admits. “Kasi she makes me so happy sa movies n’ya. ‘Yun ang appeal niya sa akin and I know to many people (too). Ang laking bagay nung napapasaya ako ng pinapanood ko.”
Para naman kay Ai-ai, working with the Megastar is undoubtedly a dream come true. She feels honored na finally ay nakatrabaho na niya si Sharon. “Kasi noong ‘80s pinapanood ko na siya. Isa siya sa mga nagagalingan ako sa mga actress natin,” kwento ni Ai-ai. Pero ang pinaka-impressive daw para kay Ai-ai ay ang personality ni Sharon at ang kabaitan nito. “Nasabi ko it’s an honor na makilala ko siya at everyday (na makatrabaho ko siya sa pelikula) na nasabi ko, ‘Iba ‘yung Megastar talaga ‘yung ugali ‘yung pagkatao, grabe ang bait.
Meanwhile, SNN came up with a poll question asking if people believe that Gabby Concepcion will be making a cameo role in BFF, and majority said yes. The percentages are as follows: Yes: 86.42; No: 15.38.







0 comments:
Post a Comment