Tuesday, May 19, 2009

Boys Over Flowers cuties coming to Manila soon


“They are coming,” ito ang magandang balitang inanunsiyo ng host na si Kris Aquino sa The Buzz kahapon na ang tinutukoy ay ang sikat ng miyembro ng F4 ng Korean TV-hit series na Boys Over Flowers. Ang mga hinahangaang karakter ng F4 o Flower Four sa Boys Over Flowers na sina Ji hoo, Yi jeong, Woo bin at Jun Pyo ay inaasahang darating sa bansa subalit wala pang ibinibigay na eksaktong petsa ng kanilang pagdating.

Nagsimula ang nasabing Korean series noong Lunes, Mayo 11 sa ABS-CBN at kamangha-manghang naglista agad ito ng mataas na rating at tinalo agad ang katapat na programa sa kabilang istasyon. Ang nakagugulat pa sa mataas na rating ng programa ay dahil late night ang oras nito. Sa kasalukuyan ang Boys Over Flowers ang tinatayang pinaka-engrande at highest rating na series sa Korea sa taong kasalukuyan.

Samantala, sa sobrang tuwa ng mga producers ng Koreanovela ay ipinaabot nila ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tagahanga sa pamamagitan ng mensaheng binasa ni Kris sa The Buzz kahapon. “Tuwang tuwa po at nagpapasalamat ang Group Eight (producers in Korea) at KBS sa success ng Boys Over Flowers sa kanilang unang linggo sa ABS-CBN. Ang Group Eight at KBS ay nagpapasalamat po sa lahat ng fans and supporters sa Philippines at ABS-CBN for the promotions and the care that we’re giving to the program Boys Over Flowers,” pahayag ni Kris.

Samantala, upang mas marami ang makapanood ng Koreanovela ay inilipat ito sa mas maagang oras. Magsisimula ito ng ika-anim ng gabi, bago mag-TV Patrol World, habang ang Pinoy Bingo Night naman ay magsisimula pagkatapos ng Tayong Dalawa.

Reactions:

1 comments:

I LOVE THIS SITE... I CAN WATCH ABS CBN ANYWHERE I GO NOW:)

Tru Blooded Kapamilya Followers