Tuesday, May 19, 2009

Gerald Anderson stops traffic to get to mall show


Maagang nakarating sa SM Rosales ang inyong lingkod kasama ang staff ng Tayong Dalawa para sa mall show nila Kim at Gerald. Alas-kuwatro ng dumating si Kim Chui sa venue, pero kataka-takang wala pa si Gerald. Ayon sa staff, manggagaling daw pala si Gerald sa Baguio at may dinaan lang. Pero dahil opening ng naturang mall, dagsa ang mga tao at napaka-traffic sa labas. Nakarating sa amin ang balitang umabot na raw ang mabagal na daloy trapiko sa Urdaneta at doon daw mismo na-stuck sa trapik si Gerald at ang sasakyan nito.

At dahil alam na nga niyang late na siya, at nagwawala na ang mga taong nag-aabang kina Gerald at Kim, gumawa na siya ng paraan at dumiskarte. "Alam ko kasing late na ako, kaya pumara na lang kami ng driver ko na nag-momotor. Tapos pinakiusapan namin si Kuya Tirso (Belarminno) na iangkas ako papuntang SM Rosales." paliwanag ni Gerald. Si Mang Tirso ay tubong kapampangan at nagkataong papunta rin siya sa direksyong pupuntahan ni Gerald. Kapansin-pansin din ang kapansanan ni Mang Tirso na may polio. "Noong una, ayaw kong maniwala na si Gerald nga yun. Pero nung bumaba na nang sasakyan ay naniwala na ako na si Gerald nga!" nakangiting kuwento ni Mang Tirso.

Laking pasasalamat ni Gerald at naka-abot siya sa mall show nila ni Kim at bilang pasasalamat ay inimbitahan pa ni Gerald si Mang Tirso sa backstage, binigyan ito ng pagkain, nagpapapicture pa sila with Kim at ang sumbrerong suot-suot ni Gerald ay binigay na niya sa kanya. Inabutan din ni Gerald ng pamasahe si Mang Tirso bilang pasasalamat sa kabaitang pinakita nito.

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers