
Fresh from her month-long vacation from Europe, isang well-rested and blooming na Anne Curtis ang humarap kahapon sa The Buzz True Confessions. Ibinahagi ni Anne ang kanyang memorable travel abroad. Bumisita si Anne kasama ang ilang showbiz and non-showbiz friends sa Spain, Czech Republic at Italy. Hindi umano malilimutan ni Anne ang kanyang bridge jumping activity sa Barcelona na aniya’y nagdulot ng kakaibang adrenaline sa kanya. Binisita rin nila ang maraming sikat na siyudad sa mga nasabing bansa. Dagdag pa ni Anne, ay marami umano siyang nakilala sa kanyang pagbabakasyon at ang ilan pa nga ay kanyang naka-date. “It’s amazing to learn and experience new things in life so that’s what I’m gonna do next year,” pag-amin ng aktres na nagpaplano nang bumisita either to South America or South Africa.
Samantala, nine months after she and former boyfriend Sam Milby have broken up, sinabi ni Anne na totally over na siya sa nangyari nilang break-up ay siya ngayon ay may idini-date na. Pero naging matipid ang mga sagot ni Anne at hindi nagkuwento tungkol kung sinuman ang idini-date ngayon. Pagdating naman kay Sam, sinabi ng aktres na mayroon pa umano silang komunikasyon. “We keep in touch from time to time,” ani Anne at nang itanong ni Kris kung bukas pa ba siya sa posibilidad na magkabalikan sila, praktikal ang naging sagot ng dalaga. “Who knows? But as of now, we’re very happy as friends.”
Naging honest naman siya sa pagsasabing masaya siya sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Sam pati na ang ka-love-team nitong si Angel Locsin para sa Only You. “I’m very happy for Sam and Angel, they’re both very talented. I’m very happy for Sam and he really deserves whatever he’s getting right now,” pag-amin ni Anne.
Natawa rin lang si Anne nang tanungin hinggil sa napapabalitang mayroon din umano siyang sex video. “Wala talaga. I could reassure everyone there’s nothing. No video. There’s none. As much as possible I’d rather not comment. It’s really none of my business naman. Pero wala talaga.”
Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa ang dalaga hinggil sa isyung lilipat umano siya sa kabilang istasyon. Nang tanungin siya ni Kris Aquino kung Kapamilya pa ba siya at masaya, maikli ang tugon ng aktres. “Yes. Yes, I still am.”







0 comments:
Post a Comment