
Lumikha ng ingay kamakailan ang ginawang reading ni Angel Locsin sa book launching ng tanyag na scriptwriter na si Ricky Lee. Ilang sikat na linya sa pelikulang Himala ng superstar na si Nora Aunor ang binasa ni Angel sa book launching at mula noon ay nagkaroon na ng mga intriga na siya raw ang gaganap sa role na Elsa sa remake ng pelikula.
Kahit si Ricky Lee, na siyang sumulat ng script ng critically-acclimed na pelikula ay naging vocal sa pagsasabing si Angel ang kanyang bet na gumanap bilang bida kung sakali mang magkaroon talaga ng remake. “Flattering po pero baka kailanganin ko ng himala,” biro ni Angel nang siya’y tinanong kung tatanggapin ba niya ang role kung sakali. “Iba pa rin kapag original. Mahirap ‘yon at wala nang makakapantay don. Ang ginawa ko lang po ay ‘yung reading ni Mr. Lee dahil sumuporta ako sa isang henyo. At bilang isang baguhang artista, nagbigay ako ng tribute sa Superstar (Nora Aunor) natin. Para sa akin kasi ang hirap pantayan eh, walang makakapantay. Okay na siguro ‘yung siya na ‘yung una at yung huli dahil wala talagang makakapantay.”
Sinabi ni Angel na hindi naman niya sinasabing hindi niya tatanggapin subalit nilinaw na magiging malaking hamon para sa kanya ang gumawa ng remake. “Hayaan na po natin si Ms. Nora Aunor. Mahirap kasi talaga. ‘Yun ang stand ko ngayon.”
Samantala, humingi ng paumanhin si Angel kung sakali mang may mga na-offend siyang mga Vilmanians nang pinuri niya si Nora Aunor. Lumaki ang isyu dahil lumalabas umanong Noranian si Angel samantalang girlfriend siya ni Luis Manzano na anak ni Vilma Santos. “Sinabi ko po na gagawin ko ‘yung makakaya ko [sa reading] tsaka para sa amin para magbigay ng tribute sa isang Superstar [ay malaking karangalan] pero alam kong hindi ito mapapantayan. ‘Yun ang sinabi ko,” paliwanag ni Angel.
Dagdag pa ni Angel na nagpaalam siya kay Luis sa gagawin niya ang reading subalit wala umano siyang intensyong ipakita na may pinapaboran siya. “Alam naman ng tao na malapit sa puso ko si Tita Vilma tapos gagawin ko ‘tong tribute. Ako naman bilang baguhang artista kailangan ko rin namang magbigay ng respeto kasi hindi naman natin matatawaran ‘yung talento at galing na ipinamalas ni Ms. Nora dun sa Himala.
“Pasensiya na po. Sorry po. Ayoko po na may ma-offend lalo na pagdating kay Tita Vi. Actually nagsabi ako. Kinakausap ko si Luis talaga at hindi naman [siya] na-offend. Sa akin lang meron Superstar meron tayong megastar (Sharon Cuneta), merong Diamond Star (Maricel Soriano) at merong Star For All Seasons,” depensa ng aktres.
Samantala, wala namang mapagsidlan ng galak ang dalaga sa patuloy na pagtatala ng magandang ratings ng kanyang teleserye with Diether Ocampo at Sam Milby, ang Only You. Ibinahagi ni Angel na napakaganda kasi ng chemistry ng mga bumubuo ng teleserye kaya’t lumalabas na maganda ang programa. “’Yung cast perfect talaga. Walang bad trip, walang maarte, walang nakakainis. Lahat kami tawanan nang tawanan sa set. Minsan nga kapag nagti-take, magtitinginan lang kami tapos magtatawanan na kami. Sobrang light lang talaga,” pagbabahagi ni Angel.
Dagdag pa ni Angel, pinaghirapan talaga nila na mabigyan ng bagong flavor ang Only You sa tulong na rin ni Direk Rory Quintos. Gusto kasi umano ng direktor ay bagong atake. “Eh kaming tatlo (Diet at Sam) talaga, nasanay kami sa drama. Galing po kami sa drama so nahirapan kami. Kailangan naming i-reinvent ‘yung sarili namin para makapag-perform ng ganito. ‘Yung real na hindi masyadong real, ‘yung umiiyak ka pero hindi masyadong madrama.”







1 comments:
ANGEL LOCSIN IS THE BEST!! SHE CAN BE NORA AUNOR AND SHE CAN BE VILMA SANTOS. I LOVE YOU ANGEL. IM YOUR AVID FAN HERE IN SOFIA BULGARIA. WISH YOU ALL THE BEST AND MORE BLESSINGS TO COME.
Post a Comment