
Ibinahagi ni John Lloyd Cruz kamakailan na malapit na nilang matapos ang shooting ng pelikulang A Mother’s Story: In My Life kung saan niya kasama sina Governor Vilma Santos at Luis Manzano. Sa telebisyon naman, umaasa siya na sisimulan na nila ni Angel Locsin ang kanilang gagawing teleserye bago matapos ang 2009. Halatang excited siya sa project nila ni Angel na magiging comeback soap opera niya after I Love Betty La Fea.
“I’m just waiting for Angel. I’m hoping na after nitong soap niya (Only You) at pagka puwede na kong magsimula for the soap opera at maging maayos naman ang pag-uusap, sana wala nang problema,” pananabik ng aktor. “Sana matuloy na because medyo matagal na rin (pinag-uusapan ang proyekto) at ako naghihintay lang.” Kuwento pa ng binata, noong bagong lipat pa lang si Angel sa ABS-CBN ay napag-uusapan na ang tambalan nila. “I’m really hoping na mangyari na siya this year,” aniya.
Samantala, natawa naman si Lloydy nang hingan siya ng reaksyon sa komento ni Angel na masyado siyang nagagalingan kay Lloydy. Nasambit pa nga ni Angel na kailangan muna niyang mag-workshop bago sila magsimula ni Lloydy na gumawa ng eksena para makasabay ito. “Wag ka masyadong mag-expect,” natatawang mensahe ni John Lloyd para kay Angel.
Gayunpaman, excited na ang aktor na maging leading lady si Angel. “I’ve been blessed [dahil] ang mga nakakatrabaho ko, especially ‘yung mga leading ladies, kumbaga they only have nice words for people. Si Angel isa siya roon, honestly. Angel, please huwag kang masyadong mag-expect baka hindi ko ma-meet ang mga expectations mo.”
Bukod sa pagkakaroon ng magandang working relationship kay Angel, mas hinahangad ng aktor na mabuo ang magandang pagkakaibigan nilang dalawa. Aniya, nais niyang maging makabuluhan ang kanilang pagtatrabaho at hindi malilimutan. “’Pag nagkatrabaho tayo, I’ll be looking forward to sharing of knowledge [and] sharing ng kung ano ang maibabato mo sa akin at ‘yung maitutulong ko lang sa ‘yo,” mensahe ni Lloydy kay Angel. “I just want to share experiences with you in the most memorable way possible. Mag-enjoy lang tayo. More than the work that we have to do, mas importante ‘yung mga moments natin off-cam. ‘Yun ang mga moments na hindi natin makakalimutan, ‘yung mga moment na ise-share natin sa mga anak natin.”
Kinumpirma rin niya na magkakaroon sila ng movie reunion ni Bea Alonzo tentatively early next year. Puring-puri naman niya si Bea sa pagbabago ng aktress sa pisikal at personalidad na aspeto. “Now, mas willing siya to take on more new roles, more mature, more sensitive, and more daring hindi lang in terms of sensuality. Mas malawak talaga. I’m very happy na ganun ang nakikita ko sa kanya. Kasi ang nakikita mo papunta siya sa maturity. Papunta siya sa growth na gusto niyang maabot growth na gusto niyang puntahan.







1 comments:
Wow!!!!!tlaga exited n kami nyan aabangan nmin yan....
sana nga matuloy yang pgsasama nyong dalawa...preho nman kyong mgaling sa acting...sna my mga figth scenes..n mi2s nmin si angel n gmwa ng gnyan....GO TEAM KAPAMILYA.....!!!!! NUMBR 1 kyo sa amin.....Goodluck nlg & godbless more proj. to come.......!!!!!
Post a Comment