Saturday, August 15, 2009

Lorna Tolentino returns to heavy drama via ABS-CBN's Dahil May Isang Ikaw

May isang taon din halos na nawala sa TV si Lorna pagkatapos yumao ng kanyang asawang si Rudy Fernandez dahil sa cancer. Pero hindi madaling makalimutan ang aktres sa huli niyang ginawang teleserye sa ABS-CBN, ang Kay Tagal Kang Hinintay (2002-2003), na naglunsad sa tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo

"Ito talaga ang na-miss ko," pag-amin ng premyadong aktres sa panayam. "Yung ganitong klaseng drama kung saan mapapansin pa rin ang mga gaya namin, na medyo adults na kung ikukumpara sa mga kabataang artista. Kailangan pa rin namin ng roles na magbibigay ng importansiya sa amin. Yun ang nararamdaman ko sa treatment sa akin sa ABS-CBN kaya gusto ko dito."

Nilinaw niya, "Pero, malaki ang utang na loob ko sa GMA-7. lalo noong panahong kailangan din ng pamilya namin ang suporta, hindi sila nagpabaya. Isinali nila ako sa Startalk noon, at madali akong nakaipon. Kasi, weekly yun na isang oras at mahigit lang akong nagpupunta sa studio, sumusuweldo ako. Pero mas gusto ko siyempre, makuha ko yung fulfillment bilang artista."

At nakuha ito sa sa deal niya with ABS-CBN?

"Don't get me wrong," aniya. "Sabi ko nga, malaki ang utang na loob ko sa GMA-7 at habambuhay kong tatanawin yun sa kanila. May pagkakataon lang kasi na para mabigyan nila ako ng trabaho, kung ano na lang ang pupuwede. Pero, okay pa rin yun.

"Yun nga lang, for a time, ayoko naman ng basta nanay role lang na nandoon lang. Kasi sa Dos, gaya nina Gina Pareño, Helen Gamboa, even Anita Linda, nasa Tayong Dalawa sila at hindi lang sila basta inilagay doon. Nandoon yung importansiya.

"Yun ang point ko, at ngayon pa lang, yun ang nararamdaman ko dito sa Dahil May Isang Ikaw. Alam kong suporta ako kina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, pero kami ni Gabby [Concepcion], malalaki at mahahalaga ang exposures namin dito, kaya pinaghandaan ko rin talaga ito."

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers