Hot issue pala ngayon ang paglipat ni Claudine.
Ewan ko pero nung nabalitaan ko parang ah ok, di good luck. Para kasing hindi siya ganun kalaking kawalan sa totoo lang. ABS-CBN made her at pwedeng pwede ulit gumawa ng isang Claudine baretto ang ABS-CBN too bad na parang di pinahalagahan ang loyalty ni Claudine.
Having said that, as a Kapamilya, maganda pa rin para sa akin na makita na namamayagpag ang career ng isang homegrown talent ng ABS-CBN kahit saan man mapadpad, but I seriously doubt that it will happen. Di ko na naman kailangan mag-elaborate kung bakit, alam naman natin kung ano ang kalidad ng gawang GMA at kung ano ang track record sa box office ng GMA produced movies even Viva movies. Star Cinema lang talaga ang may kakayahan na magbigay ng blockbuster sa isang artista, at makatatlo o dalawang flops lang si Claudine her career will practically be over.
In the final analysis, Claudines move will be very advantageous to ABS-CBN, because she's one among many of white elephants ABS-CBN been keeping all these years, at malaking savings sa ABS-CBN na mag let go ng mga white elephants na ito, alam naman natin kung sino pa ang ibang white elephanst na napapabalitang lilipat. ABS-CBN should keep some senior and popular stars pero di talaga pwede lahat eh maalagaan, yung talagang may maibubuga pa talaga, nasa evaluation rin yan. Kasi kung lahat ng artista na homegrown eh aalagaan di sila sila na lang lagi. What makes a station exciting eh yung fresh faces at young stars, nakakaumay na kung puros luma.
ABS-CBN could have kept Claudine pero there's no practicality on offering her morethan what she is really worth, hindi na nga siguro proportionate ang demand ni Claudine sa kaya niyang ibigaym thats how I see it.
Sana lang wag sabihin ng fans na malaki ang naitulong ni Claudine sa ABS-CBN, kasi ang totoo mas malaki ang naitulong ng ABS-CBN kay Claudine, Claudine owes ABS-CBN everything, her skills, her popularity her fortune, hindi pa sapat ang naibalik ni Claudine sa ABS-CBN kung tutuusin. Sana nga makita niya sa GMA ang hinahanap niya, maybe she deserves to be with GMA talaga, remember its her choice kaya whatever happens she only got her self to thank or blame.
Good luck Claudine.
Phenomenon
Share








8 comments:
Tanggapin na lang natin ang paglipat ni Claudine. Matagal nang inaasahan ng ABS-CBN ang paglipat ni Claudine, lalo na nung matapos ang Iisa Pa Lamang.
Isipin niyo na lang kasi, saang show pa ng ABS-CBN puwedeng magbida si Claudine at maging kapana-panabik para sa mga manonood. Naging nanay na siya sa mga teleserye niya. Saan pa papunta ang career niya nito? Magiging nanay nila Kim Chiu?
Alam ng ABS-CBN at Star Magic noon pa na hindi makakayanang isustain ng station ang mga artista pag tumanda na. Dadating at dadating ang panahon na wala nang mahahanap na magandang kuwento ang mga taga-Creative at magiging paulit-ulit ang roles ni Claudine.
Siguro sa paglipat ni Claudine ay magandang isipin niyo ang kahihinatnan ng mga gaya ni Bea Alonzo at Kristine Hermosa lima hanggang sampung taon mula ngayon. Anung mga klaseng papel kaya ang maaari pa nilang gampanan?
Sa paglipat ni Claudine eh binitawan niya din ang kaniyang claim na maging 'isa sa dalawang reyna ng ABS-CBN.' Ngayon, solong-solo na ni Judy Ann ang pagiging Reyna sa Dos. Asahan ninyong sa mga susunod na buwan ay ibabandera ng ABS-CBN ang pagiging REYNA ni Juday at ang pagiging tahimik ng station sa usapin tungkol kay Claudine Barretto.
I hope Claudine's decision is wise and for her advantage. Sometimes, you really have to observe and consider kung saan ka talaga naka stand. Alhou true that you should count yung mga accomplishments, but that should not weigh more, business is business. I think her situation speaks for itself. Goodluck, hope hindi sya sumunod sa footsteps ni Marian as a remake queen.
Ok lang yan wag dapat nalulungkot ang kapamilya, kase nagtatrabaho lang ang tao para kumita kase naman wala talagang project ngayon si clau sa abs hindi dahil tinatraydor niya ang abs. Pero Im sure babalik yan pag inoperan ulit ng ABS, and I know hindi pababayaan ng abs yan na mawala totally.
Ang GMA ang kawawa, kase nga panakip butas sila ng mga walang trabaho sa ABS. Then iniiwanan ulit sila pag may bagong magandang offer sa ABS. Kaya nga marami ding nagagalit na kapuso fans dati pa, kase nga napapabayaan ang mga orig nilang artista at pinapriority ang mga lumilipat then aalis naman pala ulit pag inoperan na ulit.
WELCOME TO GMA, THE KAPUSO NETWORK MS. CLAUDINE BARRETTO!
Before, I used to see her in one episode of "Guwapings Live" on GMA as one of the guest co-hosts. Nalilink pa siya dati dun kay Eric Fructuoso. Then she was hired by ABS-CBN to do "Ang TV" but she continued to appear on a GMA Telesine opposite Aga Muhlach titled "Perfect". Sa GMA siya unang nagkaroon ng kissing scene w/ Aga.
This was 1992-1993.
When she became ABS' biggest star mid-1990s, she just guested once on GMA.... sa "Spotlight" opposite Bobby Andrews. After that, she appeared mostly on ABS. My personal favorite among her drama series was "Mula sa Puso".
Then... eto na talaga...
Nakalipat na siya sa wakas. Although naka-guest siya dati sa "Lagot Ka Isusumbong Kita" (sitcom ng husband niyang si Raymart), di ko akalaing bibigyan siya ng pagkakataong maging Kapuso.
The young princesses of GMA like Jennylyn, Carla, Marian, Rhian and Nadine will definitely grab an opportunity working with Claudine.
Tapos si Bayani Agbayani, balik GMA na rin... sana sa "Eat Bulaga" magiging Dabarkad na rin sya
Ok lang na lumipat sya kc marami nman talent ang ABS and also well trained. Saka para magkaroon nman ng totoong artista sa GMA7 at di puro startlet. Sana na lang d sya magaya kay Jolina na hanggang ngaun wlang nangyari sa career nya till now wlang magandang break na ibinigay sa knya ang GMA7 pra maging popular.
Ayos lang naman yun, para magkasama na sila ng asawa niya sa iisang network.
ganun talaga eh, kung saan kung magandang offer at gracefully exit naman sa kabila, so walang problema.
salamat nga pala sa pagdaan sa blog ko.
i so agree with this.
if i may say also, during the hype of rico yan's death, ang GMA7 ang walang patid ang pag-interview to yan's relatives who are blaming clau. ABS CBN did ther best to control the damage. Pinagconcert pa si clau to test the loyalty of her fans. at sabi ni clau di nya makakalimutan ang ginawa ng abs for staying by her side during her "lowest time".... hmmmm...
oh well papel. good luck pa rin clau. pwede na kayong bumuo ng club ni Jolina at Pops.
tomodachi is offline Reply With Quote
My Dell D820's touchpad is not working correctly. I can move the cursor, but it won't click on anything. There doesn't seem to be anything preventing the buttons from moving (dirt under buttons). An external mouse works fine. Adjusted the control panel settings. Updated the drivers. Did a virus scan. Tech support came up with nothing. Any ideas? [url=http://gordoarsnaui.com]santoramaa[/url]
Post a Comment