Saturday, November 21, 2009

Piolo and Judai reunited


Relaxed na nakikipagtsikahan si Judy Ann Santos kina Cherry Pie Picache, Gina Alajar, at Rio Locsin sa restobar ng White Rock Beach Resort nang biglang lumabas si Piolo Pascual kasama ang handler nito mula sa isang function room kung saan nagrerehearse ang ibang Kapamilya stars.

Nakayukong naglakad si Piolo papunta sa table nila Judy Ann para hindi na takaw-pansin sa media crew na naroon. Pero huling-huli ng ABS-CBN.com na masayang nagbesohan pa ang dalawa at saglit na nagkamustahan—patunay lang na they’re definitely on good terms.

Halatang meron pa rin silang chemistry together kaya’t kung magpapatuloy ang clamor ng mga fans na pagbidahan nila ang Ninoy and Cory Aquino biopic ay may posibilidad na matuloy ito.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers