Dalawa ang project para kay Diether Ocampo na ipapalabas next year. Isa na nga rito ay ang Filipino adaptation ng Mexicanovela hit na Rubi. Si Diet ang leading man ni Angelica Panganiban na gaganap sa title role. Kasama rin sa teleserye sina Jake Cuenca at Shaina Magdayao. Ani Diet, isa sa mga pinakamalaking teleserye ang Rubi para sa susunod na taon dahil nagsanib puwersa umano dito ang dalawang business units, from the creators of Iisa Pa Lamang at Tayong Dalawa.
“Natutuwa ako siyempre dahil lahat ng pinaghirapan namin mapapanood na nila and nakakatuwa dahil… may mga bago kaming shows na maio-offer sa kanila,” ani Diet noong nakaraang Trade Launch na ginanap sa Subic Bay, Olongapo City.
Abot-tenga rin ang ngiti ng aktor nang tanungin siya sa isa pa niyang project, ang Gimik 10, kung saan nag-reunion ang original cast ng successful youth-oriented show noong 1990s, ang Gimik. “Parang nag-transport kami, very nostalgic ang feeling. Maraming nag-flashback sa ‘yong mga memories kaya finally nung nagkita-kita kami, finally we were able to work again together,” kuwento ni Diether. “It was such a great experience and everyone really enjoyed. In fact si Bojo (Molina) umuwi pa from Guam.” Kabilang din sa TV special na ito sina Judy Ann Santos, Dominic Ochoa, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Mylene Dizon, G. Toengi, LJ Moreno. “Everyone was really excited about the reunion,” bida pa ng aktor.
Share








2 comments:
omg.. ang taba na ni Bojo Molina.. yung guy na nasa leftmost anak ni Angelo Castro (newscaster ng World Tonight) yan di ba? ano nga uli yung name niya? May kaso syang violence dati kaya nanamlam ang career. hehe.
At baket, baket nandyan si Jolina at Marvin? paramdam... Ma'am Charo, Sir Gabby, buhay pa po kami.. lol
,徵信社,尋人,偵探,偵探社,徵才,私家偵探,徵信,徵信社,徵信公司,抓猴,出軌,背叛,婚姻,劈腿,感情,第三者,婚外情,一夜情,小老婆,外遇,市場調查,公平交易法,抓姦,債務,債務協商,應收帳款,詐欺,離婚,監護權,法律諮詢,法律常識,離婚諮詢,錄音,找人,追蹤器,GPS,徵信,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信社
Post a Comment