This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Thursday, May 21, 2009

Erich Gonzales talks about doing love scene in ‘Katorse’



Erich Gonzales’s role as a teenage mom in Katorse became a hot topic as previews of the series was presented on Monday, May 18. ABS-CBN management seemed to be happy with her dramatic performance opposite Ejay Falcon and Xian Lim that the series is now slated to be part of the primetime block instead of an installment of Your Song as was originally planned. “From what I’ve heard po, hindi na siya part ng Your Song, teleserye na siya. I think gagawin siyang pang-hapon ata. I am not sure about that. But still, ‘di ba, iba yung feeling na araw-araw siyang mapapanood ng viewers. Kaya naman mas lalo kaming na-inspire na gawin yung best namin at pinagpre-pray namin na maging successful yung show,” says the young star in an interview with ABS-CBN.com.

With only a few weeks to go before the series airs, Erich said that she feels pressured and excited to see how the audience will react as she transitions into a more mature role where she is required to do kissing scenes and love scenes with her leading men. “Well, yes [na-shoot na yung love scene namin ni Ejay]. Sobrang nakakakaba nung una, yung mga kissing scene, mga love scene, ganyan. Kami ni Ejay nag-usap naman kami, sabi namin, ‘Paano ba ito? Paano mag-kiss?’ Sabi niya, ‘Basta tignan na lang natin.’ ‘So ano ito go with the flow?’ Si Direk naman sinasabihan talaga kami kung paano ang dapat gawin. Tapos before the taping itself, nag-workshop kami and sobrang nakatulong yun sa amin. Like yung mga hiya-hiya or inhibitions nawala na po yun. And we trust each other naman, kaming tatlo, na parang suportahan tayo dito,” she relates.

Erich further shared that she couldn’t believe that she was able to deliver that scene knowing that it she doesn’t really have experience with guys to begin with. “First time kong gumawa ng love scene. Even in our workshops sinabi ko hindi ako marunong mag-kiss, nakakahiya, kasi I’ve never had a boyfriend. So hindi ko alam talaga. But yun, tinulungan naman nila ako and naitawid naman daw. Technically, first kiss ko [si Ejay], parang gano’n. Kasi may mga smack na ako before [with my other leading men] pero no, this one is different talaga. Sobra. Yes, iba ‘tong ganitong kiss. Basta po one thing is for sure, to the next level po talaga ito,” she added with a laugh.

She knew from the very start what the role required and her parents have consented as well. “Yes, I asked them [the production people, what it would involve] and they offer me all the details about it. Ayaw ko rin naman na ma-on the spot na ‘Ay bakit may kissing scene? Hindi ko alam ‘yan.’ Ayoko i-accept yung project na hindi buo yung heart ko. In-explain naman nila sa akin at nagustuhan ko naman po. As for my family, sabi naman nila, ‘If you really want to do it, we’ll support you.’ And sabi ko, ‘Yes, ito talaga yung gusto kong gawin.’ Hindi naman forever mag-stay ka na pa-tweetums, siyempre dadating yung point na next level naman. Mas maganda yung versatile ka, na handa ka to do any roles. In-assure naman nila ako na nandiyan lang sila lagi for me,” she explained.

The 19-year-old actress also reveals that she is willing to do other daring projects as long as it is within her limitations. “Basta ako ayokong tumanggi sa projects. Sino ba naman ako para tumanggi? But not naman to the point na papayag ako kapag sinabing ‘Sige maghubad ka’, may limitations din naman ako. Like yun nga, hindi maghuhubad. And I don’t think gagawin din nila yun kasi sa TV prinoprotektahan din naman yung mga manonood. Mag-pose ng naka-bikini for a sexy magazine? I don’t know, siguro po. I am open naman to anything. So let’s see,” Erich beamed.

Tuesday, May 19, 2009

Gerald Anderson stops traffic to get to mall show


Maagang nakarating sa SM Rosales ang inyong lingkod kasama ang staff ng Tayong Dalawa para sa mall show nila Kim at Gerald. Alas-kuwatro ng dumating si Kim Chui sa venue, pero kataka-takang wala pa si Gerald. Ayon sa staff, manggagaling daw pala si Gerald sa Baguio at may dinaan lang. Pero dahil opening ng naturang mall, dagsa ang mga tao at napaka-traffic sa labas. Nakarating sa amin ang balitang umabot na raw ang mabagal na daloy trapiko sa Urdaneta at doon daw mismo na-stuck sa trapik si Gerald at ang sasakyan nito.

At dahil alam na nga niyang late na siya, at nagwawala na ang mga taong nag-aabang kina Gerald at Kim, gumawa na siya ng paraan at dumiskarte. "Alam ko kasing late na ako, kaya pumara na lang kami ng driver ko na nag-momotor. Tapos pinakiusapan namin si Kuya Tirso (Belarminno) na iangkas ako papuntang SM Rosales." paliwanag ni Gerald. Si Mang Tirso ay tubong kapampangan at nagkataong papunta rin siya sa direksyong pupuntahan ni Gerald. Kapansin-pansin din ang kapansanan ni Mang Tirso na may polio. "Noong una, ayaw kong maniwala na si Gerald nga yun. Pero nung bumaba na nang sasakyan ay naniwala na ako na si Gerald nga!" nakangiting kuwento ni Mang Tirso.

Laking pasasalamat ni Gerald at naka-abot siya sa mall show nila ni Kim at bilang pasasalamat ay inimbitahan pa ni Gerald si Mang Tirso sa backstage, binigyan ito ng pagkain, nagpapapicture pa sila with Kim at ang sumbrerong suot-suot ni Gerald ay binigay na niya sa kanya. Inabutan din ni Gerald ng pamasahe si Mang Tirso bilang pasasalamat sa kabaitang pinakita nito.

Boys Over Flowers cuties coming to Manila soon


“They are coming,” ito ang magandang balitang inanunsiyo ng host na si Kris Aquino sa The Buzz kahapon na ang tinutukoy ay ang sikat ng miyembro ng F4 ng Korean TV-hit series na Boys Over Flowers. Ang mga hinahangaang karakter ng F4 o Flower Four sa Boys Over Flowers na sina Ji hoo, Yi jeong, Woo bin at Jun Pyo ay inaasahang darating sa bansa subalit wala pang ibinibigay na eksaktong petsa ng kanilang pagdating.

Nagsimula ang nasabing Korean series noong Lunes, Mayo 11 sa ABS-CBN at kamangha-manghang naglista agad ito ng mataas na rating at tinalo agad ang katapat na programa sa kabilang istasyon. Ang nakagugulat pa sa mataas na rating ng programa ay dahil late night ang oras nito. Sa kasalukuyan ang Boys Over Flowers ang tinatayang pinaka-engrande at highest rating na series sa Korea sa taong kasalukuyan.

Samantala, sa sobrang tuwa ng mga producers ng Koreanovela ay ipinaabot nila ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tagahanga sa pamamagitan ng mensaheng binasa ni Kris sa The Buzz kahapon. “Tuwang tuwa po at nagpapasalamat ang Group Eight (producers in Korea) at KBS sa success ng Boys Over Flowers sa kanilang unang linggo sa ABS-CBN. Ang Group Eight at KBS ay nagpapasalamat po sa lahat ng fans and supporters sa Philippines at ABS-CBN for the promotions and the care that we’re giving to the program Boys Over Flowers,” pahayag ni Kris.

Samantala, upang mas marami ang makapanood ng Koreanovela ay inilipat ito sa mas maagang oras. Magsisimula ito ng ika-anim ng gabi, bago mag-TV Patrol World, habang ang Pinoy Bingo Night naman ay magsisimula pagkatapos ng Tayong Dalawa.

The NEW PRIME TIME BIDA LINE UP

6:00pm

6:30pm

7:45pm

8:30pm

9:15pm

10:00pm

10:30pm

Thursday, May 14, 2009

ABS-CBN Hapontastic dominates the national TV ratings


Buhay na buhay ang Hapontastic block ng ABS-CBN dahil sa mga gumagandang Kapamilya shows. Sa inilabas na national TV ratings ng TNS Media Research para sa araw Wednesday, May 13, ay ang Wowowee pa rin ang nangunguna na may 24.8%. Sumunod naman ang back-to-back teleserye na Kambal Sa Uma at Precious Hearts Romances presents Bud Brothers. Hindi naman magpapahuli ang Mr. Bean, Naruto, ay Hot Shot na pare parehong tinalo ang mga katapat nitong programa.

Wowowee (24.8%) vs. Eat Bulaga (15%), Daisy Siete (15.2%)
Kambal Sa Uma (21%) vs. Paano Ba Ang Mangarap? (18.4%)
Bud Brothers (21.3%) vs. Dapat Ka Bang Mahalin (19.9%)
Mr. Bean (16%), Naruto (14.1) vs. Chil Princesses (7%)
Hot Shot (13.7%) vs. Nodame (8.6%)

TNS Media Research National TV Ratings. Wednesday (May 13, 2009)

Ruffa & Ai (9%) vs. SIS (8%)
Pilipinas, Game K N B? (15.5%) vs. La Lola Orig (8.7%)
Pinoy Bingo Night (14.5%) vs. Hole in the Wall (16%)
TV Patrol World (30.1%) vs. 24 Oras (20.6%)
May Bukas Pa (36.2%) vs. Zorro (23.8%)
Only You (35.8%) vs. Totoy Bato (23%)
Tayong Dalawa (35.7%) vs All About Eve (18.9%)
Boys Over Flowers (27.6%) vs. Fated To Love You (17.7%)
SNN (14.3%) vs. Wow Hayop (11.3%)

May Bukas Pa and Only You tie at #1 on the national TV ratings



Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN Primetime Bida sa TV ratings. Sa inilabas ng TNS Media Research na national TV ratings para sa araw ng Tuesday, May 12, ay parehong naka 38.7% ang May Bukas Pa at Only You na parehong nasa #1 ng most watched shows in the country. Sumunod naman sa ranking ang Tayong Dalawa at TV Patrol World. Nasa #4 naman ang Boys Over Flowers na sa ikalawang gabi ay lumipad sa 28.1%. Bihira ang ganito kataas na rating para sa isang programang umeere sa late night.

1 MAY BUKAS PA ABS-CBN - 38.7%
1 ONLY YOU ABS-CBN - 38.7%
2 TAYONG DALAWA, ABS-CBN - 36.8%
3 TV PATROL WORLD, ABS-CBN - 30.2%
4 BOYS OVER FLOWERS, ABS-CBN - 28.1%
5 ZORRO, GMA - 25.3%
6 TOTOY BATO, GMA - 24.2%
7 24 ORAS, GMA - 23.4%
7 WOWOWEE, ABS-CBN - 23.4%
8 BUD BROTHERS, ABS-CBN - 23%
9 KAMBAL SA UMA, ABS-CBN - 22.5%
10 DAPAT KA BANG MAHALIN?, GMA - 20.7%

TNS Media Research National TV Ratings. Monday (May 12, 2009)

Ruffa & Ai (8.3%) vs. SIS (6.3%)
Pilipinas, Game K N B? (15.7%) vs. La Lola Orig (8.1%)
Wowowee (23.4%) vs. Eat Bulaga (13.4%), Daisy Siete (16%)
Kambal Sa Uma (22.5%) vs. Paano Ba Ang Mangarap? (18.4%)
Bud Brothers (23%) vs. Dapat Ka Bang Mahalin (20.7%)
Mr. Bean (16.3%), Naruto (14.6) vs. Chil Princesses (8.2%)
Hot Shot (12.5%) vs. Nodame (8.4%)
Pinoy Bingo Night (16%) vs. Hole in the Wall (16.5%)
TV Patrol World (30.2%) vs. 24 Oras (23.4%)
May Bukas Pa (38.7%) vs. Zorro (25.3%)
Only You (38.7%) vs. Totoy Bato (24.2%)
Tayong Dalawa (36.8%) vs All About Eve (19.3%)
Boys Over Flowers (28.1%) vs. Fated To Love You (18%)
SNN (13.8%) vs. Ripley’s (10%)

Saturday, May 9, 2009

Boys over Flowers starts airing on ABS-CBN, May 11



Kahapon, May 8, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay nasaksihan ng PEP ang matagumpay na special screening na ginawa ng Kapamilya Network para sa kanilang pinakabagong Koreanovelang kakikiligan at kahuhumalingan ng sambayanan, ang Boys Over Flowers. Mapapanood ito sa Primetime Bida ng ABS-CBN simula sa Lunes, May 11.

Talaga namang hindi magkamayaw sa tilian ang mga fans na kasama ng invited entertainment press sa special screening. Lalo silang kinikilig tuwing ipakikita sa big screen ang apat na bidang lalaki sa Boys Over Flowers o kung tawagin ay Korean F4. Kahanga-hanga rin ang mga fans dahil hindi pa man ipinapalabas ang naturang serye sa Pilipinas ay marami na silang alam tungkol dito pati na rin sa personal na buhay at career ng Korean F4.

Bago kasi ang special screening ay nagkaroon muna ng trivia game at talagang lahat ng fans ay nagkakagulo sa pagsagot sa mga trivia questions ni DJ Laila. Nang magsimula ang screening ay naghiyawan na ang mga fans habang isa-isang ipinakilala ang Korean F4 sa OBB (opening billboard). Natawa naman ang lahat sa mga comedy scenes ng bidang babae at kinilig sa mga eksena nito kasama ang dalawang members ng F4. Masaya namang lumabas ng Dolphy Theater ang lahat after ng screening at kitang-kitang nag-enjoy ang mga fans na nagpakuha pa ng mga pictures kasama ang mga dubbers o nagbigay ng boses sa mga characters sa Boys Over Flowers.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga dubbers ng limang pangunahing tauhan sa Boys Over Flowers at lahat sila ay masaya sa pagkakapili sa kanila para bigyan ng boses in Tagalog ang mga bida ng naturang Koreanovela. Excited na sila na maipalabas na ito dito sa Pilipinas. Sila ay sina Owen Caling bilang boses ni Geum Jan Di, AJ Constantino bilang Goo Jun Pyo, ang komedyanteng si Jeffrey Tam bilang Yoon Ji Hoo, Kiwi Soriano bilang So Yi Jeong, at ang dating Goin Bulilit star na ngayon ay binata na si Alfred Labatos as Song Woo Bin.

Masayang-masaya rin si Ms. Leng Raymundo, head ng ABS-CBN Programs Acquisition (ang namamahala sa pagkuha at pagbili ng shows sa abroad), dahil sa magandang turn out at magandang reception ng mga fans sa naganap na special screening ng Boys Over Flowers.

"It feels good. It was all worth the challenges we had to go through to finalize everything. I feel very good and I still feel very positive about it," pahayag ni Ms. Leng sa PEP.

Nahirapan ba sila sa pagkuha ng rights na ipalabas sa Pilipinas ang Boys Over Flowers?

"I was confident na makukuha ito ng ABS-CBN. And it was good they decided to give it to us."

Nauuso ngayon sa ABS-CBN ang paggawa ng Pinoy version ng mga Koreanovela like My Girl, Only You at Lovers In Paris, posible kayang gawan din ng ABS-CBN ng Pinoy version ang Boys Over Flowers o ang Meteor Garden?

"We're hoping to do that when the time comes. It's a very good material as you can see. Wherever it was remake, it was turn into a hit, a phenomenal hit in all the countries. It was a hit in Taiwan and all over Asia, the Meteor Garden. The Japanese version was also something else. And then the Korean version, nakita mo naman ang dami-daming nag-aabang na," masayang sabi pa ni Ms. Leng.


BOYS OVER FLOWERS. Hango sa sikat na Japanese manga na Hana Yori Dango, ang naturang Korean remake ay kinatatampukan ng pinakamaiinit na Asian superstars ngayon na sina Koo Hye Sun, Lee Min Ho, Kim Hyun Joong, Kim Bum at Kim Joon.

Ito ang pinakamalaki at pinaka-engrandeng serye na ginawa sa Korea na shinoot pa sa mga lugar tulad ng New Caledonia at Macau.

Nauna na itong ni-remake sa Taiwan bilang drama series na Meteor Garden, na pinagbidahan ng phenomenal boyband na F4 na sina Jerry Yan, Vic Zhou, Ken Chu at Vanness Wu, kasama rin ang bidang babae na si Barbie Hsu. Ipinilabas din ito sa ABS-CBN at nananatiling bilang isa sa pinakamatagumpay na Taiwanese series na ipinalabas sa Philippine television.


SYNOPSIS. Ang Boys Over Flowers ay kuwento ni Geum Jan Di, isang ordinaryong babae na biglang magbabago ang simpleng pamumuhay matapos makatanggap ng scholarship sa prestihiyosong Shin Hwa College. Dito makikilala niya ang grupong kung tawagin ay F4 (Flower 4) na kinabibilangan ng pinakamayaman at pinakakinatatakutang mga kalalakihan sa buong campus. Sila ay sina Goo Jun Pyo, Yoon Ji Hoo, So Yi Jeong, at Song Woo Bin.

Dahil sa ayaw paapi at likas na matapang at palaban, makakabangga ni Jan Di si Jun Pyo, ang lider ng F4, na matapos niyang ipakiya, ay maghihiganti sa pamamagitan ng pagsira ng buhay ng dalaga sa Shin Hwa. Buti na lamang at nandiyan para sagipin siya ni Jin Hoo, ang tahimik at misteryosong miyembro ng F4.

Mapapalapit ang dalawa at mahuhulog ang loob ni Jin Hoo kay Jan Di. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na nabibighani na rin ang kaibigang si Jun Pyo sa nakakatuwa at kakaibang personalidad ng dalaga.

Ano na ang gagawin ni Jan Di ngayong ang dalawang kilabot ng campus ay in-love pala sa kanya? Sino ang pipiliin niya?

Sundan ang nakakakilig na kuwentong minsan n'yo na ring minahal at tinangkilik ngayong Lunes, May 11, sa pagsisimula ng Boys Over Flowers, pagkatapos ng Tayong Dalawa sa ABS-CBN Primetime Bida.

Thursday, May 7, 2009

Parating na Sila!


BOYS OVER FLOWERS
sa Primetime Bida

MAY 11 sa ABS-CBN

Best Friends Forever