Gusto rin daw i-suspende ng MTRCB ang “Magpasikat” dahil katulad lang ito sa “Showtime.” Ayon sa regulatory body, pinalitan lang ng ABS-CBN ang title ng show to “Magpasikat” pero hanggang title lang ang magkaiba dahil ang konsepto ng show ay “Showtime” na “Showtime” daw. May katotohanan ba ito? Sa mga nakapanood ng “Magpasikat” at “Showtime,” sabihin niyo nga kung pareho lang ba ang dalawa!
Isang malaking sakit sa ulo nga para sa management ng ABS-CBN ang banta ng MTRCB na i-suspende rin ang pinalit na show sa “Showtime.” Di pa tapos ang imbestigasyon at appeal ng ABS-CBN concerning the abrupt and so called “unlawful” suspension by the regulatory body sa “Showtime” dahil mukhang midali at walang due process ang pagpataw sa preventive suspension. The suspension was issued to “Showtime” because of the degrading remarks made by Rosanna Roces on the show against teachers on January 4.
Ngayon, nais ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na i-suspend na rin ang pumalit sa nasabing show, ang “Magpasikat.”
According to the representative of MTRCB na si Atty. Jonathan Presquito, dapat ding ma-suspend ang ipinalit na programa:
“Ang suspension ng Showtime Live i-extend sa Magpasikat Live because they’re one and the same.”
Pero according to ABS-CBN’s legal counsel na si Atty. Maxim Uy, magkaiba raw ang dalawa shows:
“Ang basehan nitong MTRCB, sabi nila dahil pareho daw ‘yung mga hosts at bukod don pareho din ang production staff, siguro naman alam naman natin na hindi dahil pareho ‘yung mga hosts at dahil pareho ‘yung production staff, ibig sabihin pareho na ‘yung programa.”
Bungad naman ni ABS-CBN Corporate Communication head Bong Osorio:
“Tila walang gustong ipalabas na ABS-CBN program ang MTRCB sa nasabing timeslot. Ano kaya ang mayroon sa timeslot na ‘yan at napag-iinitan.”
Ano sa tinging niyo, magkatulad ba ang Magpasikat at Showtime
Share








1 comments:
ewan ko ba dyan sa MTRCB... yung show ang pinag iinitan eh yung GUEST lang naman nila yung nagkalat... dapat meron din silang disclaimer na .. the views and opinions of the guests do not necessarily reflect those of the show, the hosts, and the network! yung parang sa THE BUZZ. Ngayon, ano naman ang ginawa nung Magpasikat at gusto nila uli isuspend...
Post a Comment