Monday, February 22, 2010

Vice Ganda: ‘Oo, mayabang ako!’


Isa sa mga isyung binigyang linaw kahapon ni Vice Ganda sa The Buzz ay ang isyu umanong nilamon na raw siya ng tagumpay sa pagiging star judge niya sa patok na talent search program na It’s Showtime. “Kung nilamon na ako ng tagumpay, wala na ako ngayon dito dahil nasa sikmura na ako ng tagumpay,” pabirong pagsisimula ng komedyante. “Kung sinasabi nilang mayabang ako, oo mayabang ako at napakaraming dahilan na ipinagyayabang ko. Mayabang ako at ipinagmamayabang ko at ipinagmamalaki kong Pilipino ako, ipinagmamayabang kong bakla ako, ipinagmamayabang kong anak ako ng mga magulang ko, ipinagmamayabang kong akong si Vice Ganda, ipinagmamayabang kong bahagi ako ng Showtime, ipinagmamayabang kong Kapamilya ako,” sagot ni Vice Ganda. “Gayunpaman, hindi ito pumapasok sa utak ko para manlamang ng tao. Mayabang ako pero hindi ako nagnanakaw, hindi ako pumapatay. Kung mayabang man ako, huwag mo akong panoorin,” dagdag pa niya.

Sabi pa niya ay hindi raw siya nababahala sa mga paninira sa kanya. “Kahit ano pang sabihin n’yo sa akin. Batuhin n’yo man ako ng masasakit na intriga, pukulin n’yo man ako ng pagkasakit-sakit (na salita) naniniwala ako mula umaga hanggang gabi mayroon akong Diyos na kakampi.” Hindi rin daw siya napipikon kung patuloy rin siyang tuksuhing mukhang kabayo o tikbalang ng mga tao. “Pinagkakakitaan ko ‘yan,” depensa niya. Wala rin daw isyu sa kanilang dalawa ng komedyanteng si Chokoleit, na pinagkukumpara sila dahil magkaibigan sila.

Sa pagtatapos ng panayam sa kanya ng The Buzz host na si Boy Abunda, sinabi ng King of Talk na deserving si Vice Ganda sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon. “Hindi po ako magbabago,” sabi ng Showtime judge. “Patutunayan ko po sa inyo na hindi lahat ng kabayo na pagtakbo lang ang kakayahan. May kabayo rin na may pakpak at pwedeng lumipad at sa paglipad kong ito, hindi naman ako magpapakataas-taas. Paaalalahanan ko pa rin ang sarili ko na mayroon akong apat na mahahabang paa na magbabalik sa akin upang muling tumapak sa lupa.”

Samantala, inamin din ni Vice Ganda na nasaktan siya nang hindi umano siya pansinin ng crush niyang si Jon Avila sa isang event sa Cebu. Dinaan-danan lang daw umano siya ng aktor. Sinabi ni Vice Ganda na ti-next siya ni Jon at sinabing hindi raw talaga siya napansin nito. “Sinabi n’ya po kasi na hindi talaga niya ako nakita,” paglalahad ng komedyante. “Kaya naunawaan ko naman talaga siya. Kaya sabi ko, ‘ah baka talagang di mo ako nakita, maaaring sa laking kong ito hindi mo ko nakita,” makahulugan niyang sagot.

Share

Reactions:

3 comments:

pasagdahi lang na cla ingit lang na saimoha gwapa man gud ka.............

sagdi lang na oi geee.................

i definitely enjoy all your posting style, very attractive,
don't give up and also keep creating in all honesty , because it just simply good worth to read it.
excited to find out much more of your content articles, thanks :)

Tru Blooded Kapamilya Followers