Malamang ay maraming naka-miss sa miracle boy na si Zaijian Jaranilla. Pero tapos na ang inyong pagka-miss dahil ngayong Sabado pagkatapos ng TV Patrol, mapapanood muli si Zaijian sa kanyang pagganap bilang Elmer sa Wansapanataym.
“Nakakatuwa po ‘yung karakter ko rito,” saad ni Zaijian. “Normal po ako na bata rito,he he he pero madalas na inaasar,” dagdag ng batang aktor.
Ang kuwento ng Wansapanataym sa Sabado ay iikot Kay Elmer. Si Elmer ay madalas asarin ni Boyong. Isang araw, may naawa kay Elmer na matandang babae na may kakaibang kapangyarihan. Ginawang maliit at lampang bata si Boyong.
Sa nangyaring ito, nagkabaliktad na ang sitwasyon kaya naman nakaganti na si Elmer kay Boyong. Tuluyan na bang magiging bully si Elmer?
Nang tanungin si Zaijian kung mapang-asar ba siyang bata sa totoong buhay, agad na sagot ng miracle boy : “Hindi po! Mapagbiro po minsan pero di po ako bully.”
Share








0 comments:
Post a Comment