Sunday, May 29, 2011

Enchong Dee nagsalita na sa isyung mag-on na raw sila ni Julia Montes



Nagsalita na si Enchong Dee sa kumakalat na tsismis na kasintahan na raw niya diumano si Julia Montes.

Ayon kay Enchong, totoong magkasama sila ni Julia sa isang restaurant sa may Tomas Marato, Quezon City, kung saan ay namataan sila ng ilang press. Pero ayon sa kanya ay kasama rin nila ng mga oras na iyon sina Kathryn Bernardo at Diego Loyzaga.

“Kasi ako talaga pagkakaintindi ko ng date kapag kayong dalawa lang, kapag kaming dalawa nakita n’yo, date na ‘yon,” paglilinaw ni Enchong.

Bilang paglilinaw, sinabi ni Enchong na walang namamagitan sa kanila ni Julia bukod sa pagkakaibigan. “Once and for all, magkaibigan lang po kami ni Julia Montes,”
pagtatapos ni Enchong.

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers