Sunday, May 29, 2011

Gandang Gabi Vice, maganda ang feedback!


Maganda ’yung unang episode ng Gandang Gabi Vice. Nakatutuwa, bagay sa personalidad ng host bagama’t marami pa siyang ipinamalas na ibang talento sa show, gaya ng pagkanta at pagsayaw. ’Yung pagkanta hindi mo na kukuwestyunin dahil sing-along master naman siya noon, alam halos lahat ng kanta. Inaalam niya at pinag-aaralan para mapagbigyan lahat ng request sa mga comedy bars na pinaglalabasan niya. Hindi ko rin sasabihin na bano siyang magsayaw.

Pasable naman ang dancing niya. Ang nakakahadlang lamang para tuluyan mong ma-appreciate ang dancing niya ay ang pangyayaring matangkad siya, parang asiwang makitang nagsasayaw lalo’t ang mga kasama niya ay lubhang maliliit sa kanya. Bakit nga ba hindi sila kumuha ng mga dancers na kasingtaas niya o kaya ay hindi naman maliliit?

Nakakatuwa siyang panoorin na nakikipagbiruan sa kanyang mga guests. Kung sanay kang mapanood siya sa mga comedy bars, expected mo ang masayang interbyu-han nila ng kanyang mga bisita. Eh si Kim Chiu pala bungisngis, kaya naging masaya ang usapan nila.

Maganda ang desisyon ng ABS-CBN na pagawin siya ng isang show, nadagdagan ang masayang panoorin sa TV. Kaya lang hindi ba makakaapekto sa kanyang paglabas sa mga comedy bars ang pagkakaroon niya ng regular na programa sa TV?

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers