Saturday, May 7, 2011

Hayop kung magmahal ang mga ina... sa “MATANGLAWIN”


Talaga namang natatangi at walang kasing busilak ang pagmamahal ng isang ina ngunit pareho din kaya ito pagdating sa mga hayop?

Ngayong Mother’s Day, bibigyang pugay ni Kuya Kim ang mga ina sa animalandia at ipapakita kung gaano sila kapareho sa ating mga ina sa isa na namang exciting na episode ng “Matanglawin” ngayong Linggo (May 8).

Tulad ng mga tao, may pusong ina din ang mag hayop kaya naman nang makita ng isang leopard at lioness ang isang baby baboon at baby gazelle, kinupkop nila ito at itinuring na para na rin nilang tunay na anak.

Bukod sa nakakaantig na kuwentong ito, ipakikilala rin sa inyo ni Kuya Kim si Dr. Geoffrey Carullo na tumatayong ina kay Scarlet, isang aso na hindi na nakakalakad.

At posible kayang magkaroon ng mahigit sa isang ina ang isang sanggol?

Humanda na sa pagdiriwang ng Mother’s Day kasama ang animal kingdom ngayong Linggo (May 8) sa “Matanglawin,” 9:30 AM, sa ABS-CBN.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers