Sunday, May 29, 2011

Sarah Geronimo, mapapatagal ang bakasyon!

Tuloy na ang more than a month na bakasyon ni Sarah Geronimo sa Amerika. Tulad ng sabi niya, sasamantalahin na rin niya ang nasabing bakasyon. Mag-a-attend siya ng dance and music lesson.


Malamang din na matuloy na sa trip na ito ni Sarah ang inaabangang collaboration nila ng international singer na si Charice, ayon sa isang malapit sa Pop Princess.

Yup, malaking-malaki ang posibilidad na maayos na ang matagal nang inaabangang kanta nila na si Charice mismo ang nagsulat.

Anyway, may naiwan namang album si Sarah, ang One Heart under Viva Records, na pinagpipiyestahan ng mga fans niya ngayon. Pagbalik din ng Pop Princess ay malamang matuloy na ang pelikulang pagsasamahan uli nila ni Gerald Anderson after ng super successful nilang team up sa Catch Me... I’m in Love.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers