Friday, May 27, 2011

World Class Beauties na sina Venus at Shamcey, Humataw sa 'Pilipinas Got Talent 2'


Hindi lang world class talents ang makikita sa entablado ng “Pilipinas Got Talent 2” kung hindi pati world class beauties din. Nagpamalas nga ng ganda at talento sa pagsayaw noong nakaraang Linggo sina Miss Universe 2010 4th runner up Venus Raj at Bb. Pilipinas-Universe 2011 Shamcey Supsup sa ginanap na 4th results night ng nangungunang talent-reality show sa bansa. Nagpaunlak din ng isang awitin ang heartthrob na si Jericho Rosales.

Sa pagpapatuloy ng kumpetisyon, hinirang na 7th grand finalist ang mang-aawit na si John Michael Narag na nanguna sa ginanap na botohan. Pinili naman ng mga hurado ang dance group na Filogram bilang 8th grand finalist kaysa sa kabataang musikero sa Next Generation Band. Sigurado na ngang muling magpapakitang gilas ang dalawa sa darating na grand finals sa pag-asang hiranging grand winner ng PGT.

Noong Sabado pumalo ang PGT ng 24.1% sa TV ratings buong bansa at muling tinalo ang mga kalabang programa na “Kapuso Mo Jessica Soho” (17.9%) at “Talentadong Pinoy” (9.8%). Panalo rin ito noong Linggo nang mag-rate ito ng 24.5% buong bansa kontra “Mel & Joey” (14%) ayon sa Kantar Media/TNS. Sa darating na Sabado (May 28), sino kaya sa semi-finalists na kinabibilangan nina Buildex Pagales, DJP Trio, Karinyoso Boys, Jacqueline Schubert, Bourbon (Feliz Ria Pichay), at Kenny Padalla ang papasok sa finals? Laging tumutok sa “Pilipinas Got Talent 2,” sa pangunguna ng hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford tuwing Sabado at Linggo, 8:45 PM sa ABS-CBN.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers