Thursday, June 9, 2011

Ano nang nangyari sa "Maria La Del Barrio" at "Nasaan ka, Elisa?"


Maraming nagtatanong sa akin kung ano ang nangyari sa KAPAMILYA GOLD ng ABS-CBN. Ito ang mga quality primetime teleseryes na ipapalabas sa hapon - NASAAN KA ELISA, MARIA LA DEL BARRIO at PRECIOUS HEARTS ROMANCES: HIYAS. Mukhang hindi na daw matutuloy ang nasabing project.

Nagkaroon ng problema sa contract ang dalawang stars ng Nasaan Ka Elisa na sina Albert Martinez at Agot Isidro. Dapat daw ay sa primetime sila lumalabas.

Another problem ay ang MTRCB. Ayon sa kanila hindi daw pwede pang-hapon ang mga shows lalo na ang Nasaan Ka Elisa at Maria La Del Barrio lalo na sa medyo sexy theme nito. Nababagay daw ito sa late timeslot (10pm onwards) ang mga nasabing shows. Dito nagka-problem ang ABS-CBN kasi punong puno na ang slots sa primetime.

Ayon sa mga balitang natanggap ko may definite date of release na ang Maria La Del Barrio sa primetime. Ito "daw" ay ipapalit sa I am Legend kapag natapos. Ipapalit naman "daw" sa Minsan Lang Kita Iibigin ang Nasaan Ka Elisa kapag natapos.

Ang sabi naman ng ibang source ay ang ibang scenes daw sa Maria La Del Barrio ay na-ireshoot para pasok daw sa standards ng MTRCB. Hay. Masakit sa ulo ito mga Kapamilya. Pero I'm sure patok na patok ito sa mga manunuod.

Thanks to Kapamilya Tayo

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers