Magkasama ngayon sina Robin Padilla at Ejay Falcon sa teleseryeng Guns and Roses.
Matagal na ring magkakilala ang dalawa dahil naugnay noon si Ejay kay Queenie Padilla at nagkasama na rin sila sa pelikula.
Totoo kaya ang balitang pinagbabawalan na ni Robin si Ejay sa panliligaw nito kay Queenie?
“Ay hindi! Alam naman niya ’yung intensiyon ko kung sakaling manliligaw ako kay Queenie. Kasi kilala niya ako eh, ’di niya ako pinagbawalan. Mas pinili lang namin ni Queenie kasi ayaw naming magmadali. Maghintay lang. Maghintay kayo,” maikling pahayag ni Ejay.
Share








0 comments:
Post a Comment