Sa loob ng maraming taon, nilabanan ni Gretchen ang pagkalagas ng kanyang buhok. Ito ay during her teenage years, panahon kung saan mas malupit ang mga mata, mapanukso ang mga tao sa paligid, at mas madaling panghinaan ng loob ang isang tao.
Ito ang tatalakayin sa kakaibang true story ng patuloy pa ring nangungunang drama anthology sa bansa, ang Maalaala Mo Kaya. Sa pagbibida ni Nikki Bacolod bilang Gretchen, tunghayan kung paano niya tatahakin ang malupit na landas na ito sa kanyang buhay. Sa kakaibang pagdidirihe ni Dado Lumibao.
Matapos ang matagal ding hindi pagharap sa kamera, muling matutunghayan ang PBB grand celebrity winner na si Keana Reeves. Gaganap siyang ina ni Gretchen at sa kanyang natatanging pagganap, ipamamalas niya na may “K” pa rin siyang mag-artista, pagkakataon lang ang kailangan niya.
Share








0 comments:
Post a Comment