Friday, June 24, 2011

Mga Menor-de-edad na Nagsaksakan sa Eskwelahan, Bubusisiin ni Ted Failon


Ang eskwelahan ang pandayan ng karunungan ng mga kabataan, ngunit paano sila magkakaroon ng magandang kinabukasan kung ang karahasan ay nakikita din sa loob ng paaralan?

Ngayong Sabado (June 25) tututukan ni Ted Failon ang lumalaganap na krimen sa bansa sangkot ang mga menor-de-edad sa “Failon Ngayon.”

Kamakailan lang ay maagang pinauwi mula sa kanilang eskwelahan ang magkaklaseng sina Ramil Morales, 16, at Eric Lacal, 17, parehong 1st year high school students sa Villamor High School sa Sta. Ana, Manila.

Habang papalabas ng gate sa eskwelahan nakagitgitan diumano nina Morales at Lacal si Alduwine Macapobre, 15, na nauwi sa tulakan at pananaksak ni Macapobre sa dalawa gamit ang isang balisong. Napatakbo pa si Morales pero hinabol siya ng suspek at pinag-sasaksak pa sa likod.

Agad na itinakbo ang dalawang biktima sa ospital at sila ay nagpapagaling pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ang suspek naman sa si Macapobre ay nasa kamay ng Sta. Ana Police Station at ililipat sa pangangalaga ng DSWD dahil siya ay menor-de-edad pa lamang.

Tutukan ang buong kuwento ngayong Sabado (June 25), 4:45 PM sa ”Failon Ngayon” pagkatapos ng ”ABS-CBN News and Current Affairs Special Report.”

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers