Wednesday, June 8, 2011

Tirso Kapamilya na uli

Balik-ABS-CBN si Tirso Cruz III dahil kasama siya sa cast ng bagong soap ni Gerald Anderson. Maayos na nagpaalam si Pip sa GMA 7 kung puwedeng sa ABS-CBN naman siya magtrabaho dahil nagkasunud-sunod ang mga projects niya sa GMA 7 at pinayagan naman siya.


Bale ba nagkasabay dumating ang offer kay Pip ng ABS-CBN at GMA 7 pero dahil maayos ang paalam, pinayagan siyang ang soap ng ABS-CBN muna ang gawin. Ang sabi, five months tatagal ang soap na bida si Gerald na kundi this June ay first week ng July sisimulan.

Sa Friday na ang storycon ng soap ni Gerald at dun din malalaman ang ibang cast na bubuo.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers