Tuesday, June 14, 2011

Voice over ng ABS-CBN na si Peter Musngi, pinarangalan!


Kabilang si ABS-CBN Manila Radio Division head Peter Musngi sa 11 business leaders na pinarangalan ng Internatio­nal Association of Business Communicators Philippines sa 2011 CEO (Communication Excellence in Organizations) Excel Awards kamakailan sa the Atrium, Taguig....

Pinuri ang pinuno ng DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo sa kanyang mahusay na paggamit sa komunikasyon para itaguyod ang mga mahahalagang proyekto tulad ng Halalan 2010: Ang Ba­yan Naman election cove­rage, DZMM Kapamil­ya, Shower Na, Takbo Para sa Kalikasan at DZMM World Ca­ravan.

Ani Peter Musngi, ang susi sa mahusay na pamamalakad ay ang malinaw na komunikasyon ng iyong mga plano para sa kompanya.

“I guess nagsisimula ito sa malinaw na pakikipag-usap at sa patuloy na pagbibigay-lakas sa iyong grupo para matapos ang karera at makamit ang iyong bisyon.

“Importante ang role ko bilang leader pero sa huli, ang mananaig ay ang pagtutulungan ng bawat isa sa grupo.” aniya.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers