Wednesday, July 27, 2011

100 Days to Heaven inspires senior actress Perla Bautista


Type na type palang panoorin gabi-gabi ng senior actress na si Perla Bautista at ng kanyang asawang si Benny ang ABS-CBN series na 100 Days (to Heaven).

Nai-inspire raw siya sa kuwento nito, na binibigyan ng ‘clue’ ang manonood kung paano nagkakaroon ng pag-asang mapunta sa langit ang isang taong namatay.

Hangang-hanga raw si Perla sa performance ng batang aktres na si Xyriel Manabat. Brilliant actress daw ang six-year-old at feeling niya, she (Xyriel) is an asset to the series.

Equally good din daw si Coney Reyes who, in real life, Perla says, is a good friend.

Connie calls her Ate Baby daw (Baby is Perla’s pet name).

Kung ilang projects na raw ang kanilang pinagsamahan at minsan nga raw, nang nagte-taping sila for Isabella, the Judy Ann Santos-Ryan Agoncillo starrer, binigyan siya ni Connie ng bagong cellphone nang mapansin nitong lumang-luma na ang ginagamit niya.

“Hanggang ngayon, gamit ko pa rin ang cellphone na bigay ni Coney,” ang natatawang sabi ni Perla.

In any case, sometime back ay nakatanggap siya ng call from one of the production staff ng 100 Days … asking her kung puwede siyang lumabas in a guest role.

Perla readily said yes daw.

Unfortunately, hindi na naulit ang tawag.

Biro tuloy namin sa aktres: “Hayaan mo, ’di pa naman pala nakakalipas ang 100 days mula nang matanggap mo ang offer.

“Hintayin mo na lang na tumawag uli. Tulad ng mga tauhan sa 100 Days…, ’wag kang mawalan ng pag-asa.”

Kung sabagay, consistent talaga ang head ng creative team (Rondel Lindayag) ng business unit na pinamamahalaan ni Deo Endrinal for ABS-CBN, sa pag-create ng mga kuwentong magaganda at may aral.

Hindi sila forcing through, wika nga, sa ini-impart sa mga nanonood nito.

Team din ni Deo ang ‘sikreto’ kung bakit kahit ngayong malapit nang mag-finale ang Minsan Lang Kita Iibigin, hindi ito ‘natitinag’ sa pagiging top rater.

Congratulations to Deo and his team. Keep up the good work!

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers