Tuesday, July 12, 2011

Billboards nina Angel at Anne, binaklas ng MMDA


Binaklas ng Metropolitan Manila Deve­opment Authority (MMDA) ang billboards nina Angel Locsin, Anne Curtis at ng Mossimo kahapon.

Ito’y dahil sa paglabag sa National Building Code dahil sa kawalan ng permit at nagpa­kita umano ng kalaswaan.

Naka-bra ang dalawang aktres sa billboards sa Bonifacio Avenue cor. EDSA, Mandalu­yong City.

Naunang baklasin last week ang Bench billboards ng Philippine Volcanoes dahil sa rekla­mong ipinaabot ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian kay Mandaluyong Mayor Benhur Abalos.

Maraming pumuna na bakit ang mga lalaking naka-brief lamang ang pinagdiskitahan, samantalang nagkalat din ang mga billboard ng mga babaeng naka-underwear din lang.

Kaya hayun… tinanggal na rin ang billboards nina Angel at Anne.

Ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino, tuluy-tuloy ang pagbabaklas nila ng mga ilegal at malalaswang billboard na nakakalat sa Metro Manila.

Paglilinaw ni Tolen­tino, hindi intensyon ng ahensya na alisan ng hanapbuhay ang mga billboard operators, sa ha­lip, nais lamang nilang ilagay sa tama at naaayon sa batas ang lahat.

Bukod dito, maha­laga pa rin na ang ba­wat nilalaman ng billboard ay makapagbi­gay ng wastong mensahe na taglay pa rin ang dangal at disenteng tingnan.

Bumuo ng komite ang MMDA upang magsuri at magtakda ng regulasyon ng dapat ilagay ng advertisers sa kanilang billboards na nakakalat sa Metro Manila.

Magugunitang mahigit na sa 10 billboard operator ang kinasuhan ng MMDA dahil sa paglabag sa National Buil­ding Code.

Share

Reactions:

3 comments:

nakakatawa ang MMDA. ayaw nila sa mga sexing billboards. kexo nka bra at brief. heloooo!!!!! panu ba isuot and underwear? sa labas ng pantalon? ano toh superman?? natural nakahubad ang ndorser pra mkita ang product. mga bopols!!

dun nman sa issueng kexo mas malaki pa ang ndorser kesa sa product. imagine a model of underwear, dapt ba mas malaki ang brief sa ngsusuot? anu toh, lawlaw?? eh parang nkasakay naun sa barko.!

dati ala nmang pumapansin jan eh, ngaun nagpapadamihan pa cla sa mga mababaklas. gmitin ba namang key component ang mga artista mapublicize lang at masabing may ginagawa.

Tru Blooded Kapamilya Followers