Star material ang grand finalist ng Pilipinas Got Talent na si Buildex Pagales, tubong Davao. Nakita ko siyang nag-guest sa Music Uplate Live o M.U. Live at talagang may promise siya.
Hindi lamang siya may itsura, katunayan, kamukha siya ni Jericho Rosales, magaling din siyang kumanta at tumugtog ng gitara. Tawag nga sa kanya ng mga host ng show na sina Yeng, Tutti, Gee, at Martin ay pure talent. Mas gagaling pa siya kapag nahasa siya o nakapag-undergo ng workshop.
Speaking of PGT, anytime now ay gagawa na ng kanyang debut album ang grand winner nito na si Marcelito Pomoy. Palaisipan lang sa akin kung ang gagamitin ba niyang boses ay ang kanyang original male voice o ang hinahangaan sa kanyang pagboboses kay Regine Velasquez.
Come to think of it, mas madaling i-promote ang mga singer at dancer finalists ng PGT kesa sa mga gumagawa ng novelty acts, tulad ng magician na si Rico at ang hula hoop girl na si Angel.
Share








0 comments:
Post a Comment