Tuesday, July 26, 2011

Ejay Falcon, protektado ang Kapamilya actor na may gusto kay Empress


Takot si Ejay Falcon na masabing nanliligaw siya sa kanyang kapareha sa Guns and Roses na si Empress Schuck. Alam kasi niyang may Kapamilya sila na in love na in love sa dalaga at ayaw niya namang pangunahan ito lalo’t sirain ang diskarte nito, kaya he maintains his distance.

Pero inamin niyang lumalabas sila ng kapareha, nagdi-date, ’yun nga lang hindi lang silang dalawa, marami sila. At focused talaga si Empress sa trabaho niya. Ayaw nitong ma-side track ng love, kaya puro friendly ang dates nila, hindi romantic, pam-bonding lang talaga.

“Mabait siyang anak, masunurin sa magulang. Umuuwi sa oras na ipina*ngako niya. Kaya ako, pinangangalagaan ko ang friendship namin, ayaw kong masabihan na nananamantala. Pero I’m beginning to like her. Kung magtutuloy ito sa love, hindi ko masabi but Empress is special to me,” sabi niya.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers