Saturday, July 16, 2011

Failon Ngayon - July 16, 2011


Tatalakayin ang pagmamaltrato at pang-aabuso ng mga guro sa kanilang mga estud­yante sa Failon Ngayon mamayang 4:45 PM sa ABS-CBN.

Sa Pangasinan, 14 na estudyanteng sa Grade 5 mula sa Agno Elementary School ang pormal na nagsampa ng reklamo laban sa kanilang Science teacher na si Gloria Juanitez Callejo.

Pinalo umano ng guro ang mga estudyante ng kawayan sa kanilang mga binti dahil sa maling sagot sa kanilang pagsusulit.

Nagtuturo pa rin ang nasabing guro dahil hindi pa naaaksyunan ng Department of Education ang nasabing insidente.

Hindi pa rin pumapasok ang mga estudyante dahil sa matinding takot at trauma.
Ganito rin ang sinapit ng mga estudyante ng Antonio Luna Elementary School sa Tondo, Maynila.

Share

Reactions:

2 comments:

Simpleng pamamalo ng guro nang may pagmamahal ay nauwi sa matinding pagsira sa puri ng isang butihing guro na dumamay sa lahat ng mga guro sa buong kapuluan. Simple lang dahil ang mga batay bumalik din agad sa araw na iyon upang mag-aral at iyong iba'y pinigilan pumasok ng kanilang mga magulang lalung-lalo ng Kapatan na siya ang nanguna sa paghahabla sa guro na hindi man lang gumawa ng paraan para ang suliraning ito ay mapag-usapan nang maayos sa pagitan ng mga magulang at nang guro. Mahinang Kapitan. Tagapalaban dapat siya'y tagapamayapa. Palong may pagmamahal dahil ang pamamaloy pagpapatupad lamang ng kasunduan ng guro at mga mag-aaral.

Kung talagang ang pamamaloy may halong galit siguro hanggang ngayon ay may mga bata pa ring hindi makalakad. Hindi sa mali ang pamamalo, dapat ito munay napag-usapan at naayos sa paaralan. Bakit itoy mabilis na inihabla sa taas na hindi pa dumaan sa district at division office. May galit ba ang Kapitan sa guro. Sa ikauunlad ng Barangay hindi puwede na wala ang paaralan. Binastos ng Kapitan ang Deped.

Tru Blooded Kapamilya Followers