Tuesday, July 5, 2011

Jason contented with Melai


Naaliw ang lahat ng entertainment press sa magdyowang sina Jason Francisco at Melai Cantiveros sa presscon ng The Adventures of Pureza, Queen of the Riles na ginanap last Monday.

Kuwelang-kuwela ang kanilang mga pinagsasabi na in fairness to them ay hindi nila sinasadyang magpatawa kungdi talagang nakakatuwa lang ang kanilang mga hirit na alam mong unedited at walang halong kaplastikan.

Like nang tanungin si Jason kung ano ba talaga ang nakita niya kay Melai para tumagal ang relasyon nila. Ayon sa dating PBB housemate, “wala namang nagbabago sa kanya, sa totoo lang. Nu’ng maging artista ho ako, dati namang walang babaing lumalapit sa akin noong ’di ako artista. Pero ngayon, ’di ko alam, parang ’pag natatakan ka na artista ka, kahit ano pa ang hitsura mo, lumalapit talaga sila.

“Pero alam ko na, na-experience ko na kasi, ayoko na ng babaing sobrang maganda. Tama lang (ang gusto ko).”

Nagtawanan lahat sa sinabi ni Jason pero may explanation naman siya.

“Sa totoo lang, maganda po siya (Melai), saka malakas ang appeal. Kaya lang siyempre, naka-experience na ako sa ganyan, ’di ba, kasi, ’pag magaganda, madaling makuha ng iba.”

Tawanan na naman.

Bale ba ay katabi ni Jason si Bianca Manalo na isa rin sa cast ng movie kaya natanong ang boyfriend ni Melai kung ano ang masasabi nito sa former beauty queen.

“Ay naku, ma’m, sa totoo lang, sobrang perpect,” sey niya pagkatapos ay bumaling kay Melai at sinabing “medium.” Tawanan.

“Mag maganda ’yung parang hind labis. Ito (Bianca), sobrang labis. Ito (Melai), may kulang, eh,” patuloy pa ni Jason.

Sigawan ang mga reporters.

Sumagot naman si Melai, “bakit, ikaw, hindi ka ba kulang? Kung kulang ako, kulang ka rin.”

Sumang-ayon naman si Jason. Pero may kasunod na pahayag si Melai.

“Si Jason, kahit para siyang abnormal, naku, kung hindi ka talaga mapagtiis talaga, kailangan mo ng sobrang pagmamahal para tumagal kayo. Kasi kung hindi sobra ang pagmamahal mo sa kanya, wala na, matagal na kayong break.

“Pero mabait naman ito. Sa pamilya, lahat. Sobrang bait, ibibigay sa ’yo lahat. Ako, lahat binibigay niya sa akin, mga material (things) kahit mas may pera ako sa kanya,” sey ni Melai na ikinahagalpak na naman ng lahat.

Natanong din ang komedyana kung selosa pa rin siya hanggang ngayon at sey niya, hindi na raw.

“Pag may nagsasabi na ‘Melai, akin na lang si Jason,’ sasabihin ko, ‘sige, kunin mo na nang buong-buo’. Kasi, wala nang epek sa kanya, eh. Saka napapagod na ako, pagod na pagod na ako. Actually ’pag may mga nagkakagusto ngayon sa kanya, very proud ako.”

Pero kuwento pa ni Melai, away-bati pa rin daw sila ni Jason. Minsan daw ay six months straight na hindi sila nag-aaway kaya tuwang-tuwa siya. Pero after that, dahil lang sa isang toothpaste ay nag-away sila.

Katwiran ni Jason, mahilig daw kasing manghiram ng gamit si Melai.

Bilang na bilang ni Melai kung gaano na sila katagal. Sixteen months na raw o one year and 4 months. Hindi pa raw nila alam kung sila na talaga ang itinakdang magkasama habambuhay dahil sa ngayon ay wala pa naman daw sa isip nila ang mag-asawa.

Samantala, showing na ang The Adventures of Pureza ngayong July 13 mula sa direksyon ni Soxy Topacio. Kasama rin sa movie si Joem Bascon, Becky Mon and Ms. Gina Pareño.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers