Friday, July 8, 2011

Joseph Marco ipakikilala ng Dos


Sino ba si Joseph Marco? May karapatan ba siya para pagkalooban ng ABS-CBN ng isang napakalaking pagkakataon para magbida sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya na mapapanood mamayang gabi?

Gagampanan niya ang role ng isa sa pinaka-promising na atleta natin nun na nagngangalang Bert Sanchez, isang cyclist na sobra ang dedication sa kanyang sports pero isang pangyayari ang puputol sa kanyang pangarap.

Makakasama niya ang isang powerhouse cast na binubuo nina Jessy Mendiola, Jhong Hilario, and Jaclyn Jose (who will also be seen beginning Monday sa upcoming series na Reputasyon). Direksiyon ni Dado Lumibao ang istorya ni Maan Dimaculangan.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers