For the 10th time, Sarah Geronimo denies report na lilipat na siya ng ibang network dahil nga mag-e-expire na daw ang contract niya with ABS-CBN.
May kumakalat kasing balita that she will signed up with TV5, where her talent manager and discoverer -- ang big boss ng Viva Entetainment na si Vic del Rosario -- has a strong connection.
Idinenay din ni Sarah na nagkahiwalay na ang kanyang mga magulang na sina Divina at Delfin. Actually, ito nga raw ang lagi niyang ipinagpapasalamat sa Maykapal. Na ’di man marahil perfect silang pamilya, pero, nananatili silang intact.
Well, obvious din ang pagpayag na rin niya at ng kanyang Mommy Divine na muli siyang makipagtambal kay John Lloyd Cruz. Naka-hold muna ang nakatakda sanang muling pagtatambal nila ni Gerald Anderson who was her leading man in her last movie Catch Me … I’m In Love.
Did we hear it right na may nakatakda rin siyang movie na gagawin with Coco Martin na posibleng in 2012 na masisimulan?
Meanwhile, tuloy na tuloy na ang nakatakda niyang series of concerts with veteran singer Martin Nievera in the province.
Share








0 comments:
Post a Comment