Monday, July 18, 2011

The World According to Anna Manalastas


1. Ang pinaka-honest na taong kilala ko, yung kayang aminin na sinungaling siya.
2. Kung may problema kayo, may problema din ako. Kanya-kanyang kalbaryo tayo dito.
3. Walang iisang totoo. Lahat tayo nagsasabi ng totoo na naka-ayon sa pangangailangan natin.
4. Sa mundong ito, kapag hindi ka natutong lumaro, mamamatay kang mahirap.
5. Ganun ang mundo okay? Minsan kailangan mong gumastos para maging masaya. Kasi malungkot ka.
6. Kung me reklamo ka sa takbo ng mundo, Siya ang sisihin mo. I'm also just trying to survive here.
7. Kailangan alagaan mo ang interes mo. Walang ibang magmamahal sa yo kundi ang sarili mo.
8. Tayo-tayo lang naman ang nandito, hindi natin kailangang magplastikan. Nandito tayo para kumita. Pero hindi na nila kailangang malaman yun.

-Dindo Perez

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers