Sumabak sa kanyang unang recording experience ang 100 Days to Heaven star na Xyriel Manabat para bigyang boses ang bagong theme song ng nasabing palabas na pinamagatang Kuha Mo.
Matapos ang ilang rehearsals ay nakuha na agad ng child star ang tamang tono at tamang pagkakaawit ng kanta kaya napabilib niya ang staff ng Star Records.
Napapanood ang teleseryeng 100 Days to Heaven Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol.
Share








0 comments:
Post a Comment