Friday, August 12, 2011

Judy Ann Santos at Coco Martin, Feel na Feel ang 'ASAP Rocks'


Damang-dama ang superstar power sa "ASAP Rocks" ngayong Linggo kasama sina Gary Valenciano, Zsazsa Padilla, Sarah Geronimo, KC Concepcion, John Lloyd Cruz, Coco Martin, Piolo Pascual at “Junior MasterChef Pinoy Edition” host na si Judy Ann Santos.

Nakakalulang surpresa ang ihahandog ng mga Kapamilya stars sa pangunguna nina Erich Gonzales, Enchong Dee at ng buong cast ang pinaka-bagong teleserye na "Maria la del Barrio"; mapupukaw din ang inyong mga damdamin sa Primetime Princess na si Kim Chiu sa kanyang pagbibida sa "My Binondo Girl"; isang madamdaming pasasalamat at pamamaalam naman ang igagawad nina Boots Anson Roa, Ronaldo Valdez, Lorna Tolentino, Amy Austria, John Estrada, Tonton Guttierez, Martin del Rosario at Coco Martin sa pagtatapos ng "Minsan lang kita Iibigin."

Punong-puno ng emosyon ang pag-awit sa mga most requested songs ng ASAP Sessionistas at ng ASAP Pinoy Champs na sina Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy and Angeline Quinto.

Pakikiligin kayo nina Maja Salvador, Matteo Guidecelli, Shaina Magdayao, Nikki Gil, Gab Valenciano, Jessy Mendiola, Zaijan Jaranilla, birthday celebrator Young JV with APOP, Starpower Four, Neilbeth, B4, Camper’s Champs, XB Gensan, Freestylers, Kiss, Laoag Gymnastics Group, G-Force at ang mga bida ng “Way Back Home” na sina Julia Montes, Sam Concepcion, Enrique Gil at Kathryn Bernardo.

Saksihan ang drama at action sa "ASAP Rocks" ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali. Para sa karagdagang updates, litrato at upang magkaroon ng tsansang maka-hang out ng live kasama ang mga stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/.

Share

Reactions:

3 comments:

mababasa na ang sinulat ko na hango ang pamagat sa napapanood sa abs cbn..naka post na sa blog ko..

PANSALT, the low-sodium salt from Finland, is now available in the Philippines. PANSALT is the tastier & healthier way to salt. With PANSALT, you can avoid and better manage hypertension and its complications such as heart attack, stroke, kidney disease, among others. PANSALT has also been approved as an organic food ingredient by the European Commission. Make that switch to PANSALT NOW!!! For more information, visit www.pansalt.ph or contact (02) 531-4881/ 0917-811-SALT (7258).

Super! thanks for the information!

Tru Blooded Kapamilya Followers