Monday, August 1, 2011

Star Magic Games 2011

Well-attended ng Kapamilya stars ang Star Magic Games 2011 na pakana ng Star Studio magazine at Cinema One.


Nandu’n si John Lloyd Cruz, pero hindi yata ito sumali sa palaro. Si Piolo Pascual ang nag-lead ng opening prayer habang si Angeline Quinto ang umawit ng national anthem.

Badminton ang nilaro ni Piolo at siya ang tinanghal na champion sa men’s division.

Muse ng green team sina Jessy Mendiola at Empress Schuck.

Nasa blue team sina Lauren Young, Rafael Rosell at Enchong Dee na parehong naglaro ng dodgeball. Nag-join din si Enchong sa tug of war.

Nasa yellow team sina Melissa Ricks, Erich Gonzales at Sam Concepcion.

Muse ng red team sina Julia Montes at Kathryn Bernardo. Ka-team nila sina Albie Casiño (na may balitang lilipat na ng istasyon), Diego Loyzaga at Joem Bascon na panay naglaro ng basketball.

Sina Maja Salvador at Kim Chiu ay sumali sa badminton.

Sa exhibition basketball game sa pagitan ng ASAP (blue team) versus Star Magic (red team) ay nanalo ang ASAP by one point. Top scorer si Gerald Anderson (ng Star Magic) na naka-31 points at si Derek Ramsay (ng ASAP) na naka-23 points.

Sa overall results, blue team ang 3rd placer, 2nd placer ang green team, 1st placer ang yellow team at champion ang red team.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers