Todo na nga ang paghahanda ni Kuya Kim sa nalalapit niyang pagsali sa triathlon at maging ang kanyang birthday wish ay kaugnay pa rin sa kanyang pagsasanay dito.
“Wish ko na mas matuto at mas lalo pang humusay sa paglangoy bilang paghahanda sa aking lalahukang Ironman 70.3 triathlon,” sabi ni Kuya Kim na magdiriwang ng kaarawan sa Martes (Jan 24). “Dapat sana makalangoy ako ng 2 kilometro ng hindi tumitigil sa loob ng isang oras pagsapit ng Agosto.”
Dahil sa kanyang nalalapit na kaarawan, isang sopresa ang inihanda ng kanyang staff sa multi-awarded educational program na “Matanglawin” na mapapanood ngayong Linggo (Jan 22). Kasabay ng kanyang pagbahagi ng dapat gawin sa mga worst-case scenarios tulad ng aksidente sa sasakyan, pagnanakaw, at biglang pag-atake ng aso, ay isang birthday treat nga ang handog sa kanya ng production team ng programa.
Nang tanungin naman kung anong wish niya pang magawa sa “Matanglawin” bukod pa sa mga nauna niya ng kapangahasang ginawa, sagot ng Trivia King “gusto ko pumunta sa North Pole.”
Sa mga nakaraang taon, ibinihagi ni Kuya Kim ang mga kaalaman tungkol sa mga hayop, kalikasan, pop culture atbp. Nakita rin ang katapangan ni Kuya Kim sa pagharap sa iba’t ibang mga pagsubok tulad ng paghiga sa kabaong, pagtira sa gubat, pagpunta sa bunganga ng bulkan at pagkakasakmal ng bayawak.
Kaya naman isa siya sa pinakapinaparangalang educational program host sa bansa at nakatamo na ng pagkilala sa mga prestihiyosong award giving bodies tulad ng PMPC Star Awards, EMPRESS Golden Screen TV Awards, Anak TV Seal, UP Gandingan, at USTv Awards noong 2011.
Huwag palalampasin ang espesyal na birthday episode ng ”Matanglawin” para kay Kuya Kim ngayong Linggo (Jan 22), 9:30 ng umaga sa ABS-CBN.
Share








0 comments:
Post a Comment