Friday, January 20, 2012

Keanna Reeves VS Ethel Booba sa Feeling Genius ng "HYY"


Wala nang makakapigil pa sa sayang handog ng “Happy Yipee Yehey” (HYY) lalo’t ngayong Sabado, magpapatuloy ang puno ng pagmamahal mula sa show na birthday celebration ni Toni Gonzaga. Muli ring aarangkada ang tagisan ng galing sa “Feeling Genius.”

Noong Biyernes (Enero 20 sa HYY), isang cake ang handog para kay Toni ng kanyang mga co-host sa programa. Ngunit, hindi niya pa hinipan ang kandilang nakatusok sa cake dahil sabi ng kanyang mga kasama ay umpisa pa lang ng kanyang makulay at masayang birthday celebration.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Toni na wala na siyang mahihiling pa sa kanyang kaarawan. Aniya, humiling na kasi siya noong bagong taon pa lang kaya hindi na niya kailangan mag-birthday wish. At kung meron pa man iyon ang dunong at katatagan ng loob.

"Kasi, napakasalimuot ng industriyang ito. So, you need wisdom para alam mo kung ano ang gagawin mo at kung saan ka pupunta in the future,” ani Toni.


Samantala, noong nakaraang Sabado naman, nanaig ang galing ni Keanna Reeves laban kay Angelica sa “Feeling Genius.” Ngayong Sabado, muling sasabak si Keanna sa matinding battle of the brains kung saan makakaharap naman niya ang kasing-sexy na si Ethel Booba. Sino kaya sa kanilang dalawa ang tatanghaling Feeling Genius?

Walang patid ang kasiyahan na handog ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali. Huwag palampasin ang “Happy Yipee Yehey!” mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng “Showtime” sa ABS-CBN.

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers