Friday, January 13, 2012

Nakakaantig na pelikulang "100," tampok sa Cinema One


Buong-pusong inihahandog ng Cinema One, ang numero-unong cable channel sa bansa, ang isang nakakaantig na paglalakbay sa pelikulang “100” ni Chris Martinez na pinagbibidahan nina Mylene Dizon, Eugene Domingo, Tessie Tomas, Ryan Eigenenman, Cecil Paz, TJ Trinidad at Simon Ibarra.

Kwento ang “100” ni Joyce (Mylene) na may cancer, kaya’t gumawa siya ng listahan ng 100 dapat gawin sa loob ng tatlong buwan bago siya tuluyang humimlay. Uumpisahan niya ang kanyang paglalakbay sa mga pagtapos sa mga praktikal na bagay na isinama niya sa kanyang listahan. Pagkatapos ay pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang spiritwal na pangangailangan. Nakaagapay sa kanya ang kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Ruby (Eugene), ex-boyfriend na si Emil (Ryan) at katulong na ni Me-an (Cecil), at maging ang kanyang inang (Tessie) hirap tanggapin ang kanyang sinapit. Matapos ang masaya’t ma-dramang mga tagpo, isang nakakaiyak na pagwawakas ang dapat abangan.

Ang obrang ito ni Martinez ay sumabak na sa iba’t ibang filmfests sa ibang bansa kung saan humakot din ito ng mga parangal. Ilan dito ay ang Korea New Network (KNN) Movie Award sa ika-13 na Pusan International Film Festival at special award sa ika-15 na Vesoul International Festival of Asian Films. Dito sa bansa, nakatanggap ang “100” ng mga parangal mula sa Cinemalaya Film Festival noong 2008 tulad ng Audience Choice, Best Actress (Mylene Dizon), Best Director (Martinez), Best Screenplay (also for Martinez) at Best Supporting Actress (Eugene Domingo).

Nakatanggap din ang pelikula ng magagandang review mula sa mga kritiko. Isa na nga dito ay mula kay Maggie Lee ng The Hollywood Reporter. “Thoughtfully scripted and performed with a delicate balance of gravity and humor, the dignified image of women represented by director Chris Martinez here is exceptional for a Philippine melodrama with mainstream aspirations. A change of scene from gritty Philippine festival films set in slums, "100" is slickly produced with a yuppie setting; its themes of family, friendship and memento mori can connect with audiences anywhere,” aniya.

Kilalanin si Joyce sa kanyang pagbabahagi ng kanyang buhay sa atin. Tunghayan ang “100” ngayong Enero 15, Linggo, 8p.m. sa Cinema One. Ang Cinema One ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators sa buong bansa. Para sa iba pang impormasyon, mag-logon sa http://www.facebook.com/Cinema1channel

Share

Reactions:

0 comments:

Tru Blooded Kapamilya Followers