Friday, January 13, 2012

Richard Gomez, makikijamming sa "Happy Yipee Yehey!"

Kung maraming magandang babae ang parating itinatampok sa “Happy Yipee Yehey,” siyempre naman kailangang maging masaya rin ang mga babae. Ngayong Sabado (Enero 14) maliban sa naggagwapuhang sina Randy Santiago, John Estrada at Rico J Puno, makikisaya din sa HYY barkada ang isa sa mga pinaka-gwapo sa industriya si Richard Gomez.


Kasama ang RJR, pakikiligin ni Goma ang mga kababaihan sa kanilang mga awitin. Ito’y bilang paghahanda na rin sa napipintong paglulunsad ng teleserye ni Goma na “Walang Hanggan,” na siyang sinasabing pinakamalaki ngayong taon.

Ang nagbabalik Kapamilya rin na si Patrick Garcia ay sasabak sa isang malaking hamon, ang maging hurado sa “Who’s That Girl,” kung saan kailangan niyang mahulaan kung sino sa mga pusturang-pusturang kalahok ang tunay ba babae.

Ang iba pang host naman na sina Pokwang, Bianca Manalo at Toni Gonzaga ay makiisa sa masaya’t makulay na pagdiriwang ng Sinulog festival sa pamamagitan ng kanilang bonggang-bonggang opening number.


Nakatakda ding ibigay ng HYY ang isang bagong jeep para kay Elma Nolla, 49, may pitong anak, na masuwertrng nagwagi sa “Susi Ng Kapalaran.” Sa premyong napanalunan hangad ni Elma na matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Samantala, isang exciting din na palaro ang handog ng HYY. Matapos ang “Batang Genius,” aarangkada naman ang “Feeling Genius” kung saan tampok ang mga sexy comedienne na sina Keanna Reeves at Angelica Jones.

Walang patid ang kasiyahan na handog ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali. Huwag palampasin ang “Happy Yipee Yehey!” mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng “Showtime” sa ABS-CBN.

Share
Reactions:

0 comments: