Friday, January 13, 2012

Robin Padilla, "Toda Max" ang pagkamiss kay Bea Alonzo


Kung may ka-trabahong nami-miss ang maginoong si Robin Padilla, iyon na marahil si Bea Alonzo na kanyang nakasama sa patok na teleseryeng “Guns and Roses” noong nakaraang taon.

“Nami-miss ko siyempre ‘yung kagandahan ni Ms. Bea na nagbibigay ng ngiti sa lahat ng mga tao sa ‘Guns and Roses’ noon,” ani Robin.

Para naman kay Bea, ang pagiging maginoo ni Robin ang hindi niya malilimutan dahil sa ganoong paraan niya lalong nararamdaman ang pagiging isang leading lady niya.

Matutupad muli ang kahilingan ni Robin na maka-trabaho si Bea, lalo’t guest ito sa “TODA Max” ngayong Sabado (Enero 14).

Sa nasabing episode, yayayain ni Lady G (Pokwang) sina Tol (Robin) at mga anak na sina Sandy (Aaliyah Benisano) at Ronron (Izzy Canillo) na mag-sleepover sa bahay na ipinagbibili sa kanya, sa pagnanais na pikutin ang biyudong ama. Si Justin (Vhong Navarro) naman ay suportado ang pangarap ng kanyang pinsan na si Tol na magkaroon ng sariling bahay. Kaya’t sumama rin siya sa sleepover na nagsilbing outing na rin para sa kanila.

Paano kung ang may-ari pala ng bahay ay ang Schizophrenic na si Sasi (Bea) na hindi maka-move on mula sa mapait na karanasan sa pag-ibig? Paano kaya siya makaka-apekto sa buhay ng mga taga-Beverly Gil’s.

Tunghayan ang “TODA Max,” pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.

Share
Reactions:

0 comments: