Pinakatinutukan ng buong sambayanan ang pagbubukas ng kuwento ng pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Walang Hanggan” na nanguna sa national TV ratings noong Lunes (Enero 16) taglay ang 32.1%, ayon sa Kantar Media.
Wagi sa ratings ang teleseryeng pinagbibidahan nina Susan Roces, Helen Gamboa, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Julia Montes at Coco Martin kumpara sa 16.8% national TV rating ng kasabayan nitong bagong programa ng GMA na “Legacy.”
Bukod sa TV ratings, patok rin ang “Walang Hanggan” sa microblogging site na Twitter. Naging top trending topic sa Twitter ang programa, samantalanag pinag-usapan ‘worldwide’ sina Dawn at Susan.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, tuklasin ang kahahantungan ng pag-iibigang mula sa tatlong magkakaibang henerasyon: ang ‘love triangle’ nina Virginia (Susan), Margaret (Helen), at John (Eddie Gutierrez); nawasak na relasyon nina Marco (Richard) at Emily (Dawn); at ang umuusbong na pag-iibigan nina Daniel (Coco) at Katerina (Julia).
Bubuo sa ‘powerhouse cast’ ang mga mahuhusay na artistang sina Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon, at Paulo Avelino; kasama pa si Joel Torre sa isang natatanging pagganap. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit.
Patuloy na tutukan ang “Walang Hanggan,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Budoy,” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Share








2 comments:
haha fool yourself!
asa fool you instead! talunan na gma
Post a Comment